Happy Trip

1.7K 38 6
                                    

Vice:

Anong mabuko?

Napaubong sagot sa akin ni Vice. Tinuro ng nguso ko ang tshirt nya at sumagot ako na patawa-tawa.

Buern:

Ayan o Buko.... Ang dako-dako eh.. Di mo sight?

Yumuko si Vice to look at the print of his shirt. Ngumiti sya and he was obviously relieved about my answer.

Akala ko naman handa nang magtapat sa akin si Vice about Karylle. Bakit naman kasi magtatanong sya kung OBVIOUS ba kung wala naman palang ibig sabihin ang pagsuot nya sa shirt.

Vice:

Ahhh ok.. Eh kasi 16th mot-mot namin ni K ngayon kaya naisip ko na bongga siguro kung isuot ko sa Showtime itech. You know, pampakerlegs.... Hahahaha!

Buern:

Ahhh... pampakilig kanino? Kay Kurba or sa 'yo? Hahahaha!

Lalong napalakas ang ubo ni Vice. Ngayon ko lang nahalata na pareho pala kaming paos.

Vice:

Ano ka ba? Eh di sa fans... sa mga junakis namin.... Teka nga, makaligo na nga at makalaklak ng isang galong Vick's, grabeng sakit ng throwttt ko.

At pagkasabi ni Vice noon, walang patumpik-tumpik na bumalik na sa kwarto nya.

Naiwan akong nakatayo sa pintuan ng guest room habang iniisip ang sitwasyon ni Vice at ang sitwasyon ko.

Ano ba tong napasukan namin ni Vice? Sa kauna-unahang pagkakataon mukhang magiging magkaribal pa kami. At ang masama pa neto, sa isang BABAE pa.

Lumakad ako papasok sa kwarto at humarap sa dresser. Huminga ako ng malalim at nagsimulang kausapin ang sarili..

Buern:

Ano ka ba talaga Buern? Di ba bakla ka? Di ba nung mga nakaraang linggo lang nagpapabooking ka pa sa mga boylet? Anong nangyari sa yo? Ano bang tong kalokohan na isinusuksok mo dyan sa baklang utak mo na yan?

I stepped back away from the mirror to look at myself in full view.Tinangnan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Wala mang pinagbago sa itsura ko, pero I know something inside of me has changed.

Napabalikwas ako sa mga inisip ko at dali-dali akong pumanta sa aparador. Kinuha ko ang pink na muscle shirt ko with bedazzled astec prints. Kinuha ko rin sa hanger ang red na cropped pants ko na merong gothic floral hem print.

Inilapat ko ang mga damit sa katawan ko at humarap sa salamin. Napangiti ako ng bahagya sa outfit of the day ko.

Buern:

Panginoon ng mga kablakaan, tanggapin nyo po nawa ang naliligaw nyong inakay... Kayo na po ang bahala sa akin...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Russell (Knocking at the door):

Mudra, ready na raw si Mother Horse! Ayusan mo na raw sya.

Nagmamadali akong nag-ayos ng sarili ko at ng mga gamit ko. Napaidlip kasi ako ng konti at ganun din pala si Vice. Kaya pareho kaming nagmamadali dahil male-late na naman sya sa Showtime.

Lumabas ako ng guestroom to go to Vice's room.

Nagpupulong na pala ang mga baklita sa may dining area at lumalafang na ng almusal. Tamang-tama naman nadaanan ako ng tingin ni Raffy.

Raffy:

Huwaw! Presenting!!! Ang Pagdadalaga ni Buern Rodriguez! Hahahahaha!

Napatingin lahat kung saan ako nakatayo at syempre hindi pinalampas ang chance na ma-okray nila ako.

Kurba D' Converter: A BuernRylle Love Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon