#BT5TheInvitation

39 3 0
                                    

"Lian, may new order dun sa desk. Ikaw na lang muna kumuha okay? We're currently working on something kasi. Pero patapos na din to. Okay lang ba?" Sabi sakin ni Patricia.

Nandito ko sa FFL. 2 days after the ball. Kahapon pa ko officially nag-start.

"Sure! Kukunin ko na." Sabi ko at pumunta na sa unahan para kunin yung order. Naka-folder na gold yun. Sosyal.

Binuksan ko yung folder at nakita ko ay isang suit. Parang pang-formal gathering. Color cream sya with touches of white. Sa likod nun ay ang pangalan ng sender at yung mga sukat nya.

Pumunta muna ko kay Angela para magtanong kung ano muna ang gagawin.

"Angela. Eto yung order. Ano bang napag-usapan, tayo ang bibili ng tela? Or sila na? Wala kasing nakalagay eh."

"Oh. Sorry di ko nasabi. Tayo ang bibili ng tela. Nagbigay na ng down payment si Mr. Tylins para dyan."

Binigay sakin ni Angela yung pera at pinapunta na ko sa shop kung saan sila laging nabili ng tela. Pinasama din si Patricia.

Yung totoo, designer ba talaga ko? Lahat na yata ng gawain ginawa ko na eh. -_- Mula sa pagiging delivery girl, sa pagiging one night princess, hanggang sa pagbili ng tela?

Pero keri na yun. Ilang buwan lang naman eh. Extra income din to Lian no.

"Oo nga. Sige don't worry sasabihin ko kay Angela na wag ka ng utusan."

Hala? Anong pinagsasasabi nitong si Patricia?

"Ha?"

"You... Are talking? Right? Sabi mo lahat na lang pinapagawa sayo."

Bad girl Lian! Bad girl!

"A-ah hehe. Sorry. Di naman ako nagrereklamo. Wag mo ng sabihin kay Angela. Naninibago lang talaga ko. I'll get used to it." Nakangiting sabi ko.

*Riiiiing* *Riiiiing*

"Hello?"

"LIAAAAAAAN!!!"

Nilayo ko yung phone sa tenga ko dahil narinig ko na naman ang nakakarinding boses ni Trixie. -_-

"Hoy Lian! Ano walang imik? Sagutin mo ko huhuhuhu"

"Eh pano magsasalita? Baka nga di na marinig boses ko sa ingay mo."

Wag kayong magtaka. Ganto talaga kami mag-usap ni Trixie.

"Ang bad mo ha! Di mo man lang namiss ang napaka-dyosa friend mo! Hmp!" Sigurado ako naka-pout yan ngayon!

"Psh. Trixie, 3 days pa lang ako nawawala. Sa tingin mo mamimiss ko yung mukha mo na araw-araw kong nakikita sa fb?"

"Eh basta I miss you na! Eto nga pala si Claude hihihi." Narinig kong binigay nya yung phone kay Claude.

"Hi Lian. Kamusta?" Kung may namiss man ako, si Claude yun! Namiss ko yun katahimikan at kainosentehan nya.

"I'm good! Kayo? Kamusta kayo? Well si Trixie sigurado kong okay na okay yun."

"Hahaha. We're fine. Maayos kami. Ichat mo na lang to si Trixie araw araw dahil di na matigil ang bunganga."

Hahahahaha! Sino ba ang di maririndi sa forever friend ko na yun.

"Ibigay mo na nga sakin yan! Akina."

Kinuha ka ni Trixie yung phone.

"So bruha. Kelan ba balik mo?"

"Hey. We're here Lian." - Patricia.

"2 months pa Trixie okay? I need to go. Byeeeee take care! Mwa!"

And I ended the call.

--

Bumaba kami ni Pat dito sa isang malaking tailor shop. Hindi mo sya aakalain na tahian dahil walang signage sa labas. Para lang syang sosyal na bahay.

Pinakita sakin ni Patricia kung paano kumuha ng tela. Itytype mo lang yung name ng tela sa isang machine doon at bigla na lang lalabas yung tela. Ang hightech lang.

--
After 1 hour, natapos na din kami sa pamimili. At bumalik na kami sa FFL.

Nandito na ko ngayon sa designer's desk para gawin na yung damit.

Kasama ko sila Patricia, Janine, at Erica dito. May sari-sarili din silang ginagawa.

"Hey Lian! Bakit nga pala late ka ng umuwi nung isang gabi? Nandito kasi ako sa FFL nun. Nakita kita." Sabi ni Janine.

Omg. Yun yung ball. Sasabihin ko ba?

"Really? Nako ha. You make ingat ingat here. Madaming bad people you knoooow." Hahahahaha conyo pala to si Erica!

"Baka naman may boyfriend ka na agad dito! Aba ha. Tatlong araw ka pa lang." Sabi naman ni Patricia.

"Guys guys. It's not what you think okay? Ano kasi.. ano.."

Ugh ano Lian? Sasabihin mo ba?

"Spill it out sis."

"Okay okay. Eto kasi....."

And the story began. Kinwento ko na sa kanila lahat. Wala namang masama diba? Wala naman akong ginagawang masama.

"Ohhhhh myyyyy goooosh! You spent the night with the princes? Omg omg I can't breathe guys!!"

Binatukan ni Janine si Erica dahil sa OA na reaksyon. Well, nakakagulat naman talaga diba?

"Lucky you. Kami nga dito, ilang taon na nakatira never pang nakabonding or nakapagpapicture sa mga Prince. Tapos ikaw? Wow." Sabi ni Patricia. Oo nga naman.

"Nakita mo ba si Baby Robert kooo? Ha? Ihhhhh kinikilig tuloy ako!" Patuloy ni Erica habang yakap yakap yung damit na ginagawa nya.

"Robert? Parehas kayo nung kaibigan ko! Patay na patay kayo sa Robert na yun. Sino ba yun?"

"Hindi mo kilala si Robert? Nako sya lang naman ang pinaka-gwapo among all the Princes dito sa Zagada no! I pity you na hindi mo sya kilala duuuuh."

Hindi ko naman kasi masyadong nakita yung mukha nun ni Robert nung pinakita sya sakin ni Trixie. Tsaka madali rin akong makalimot eh kaya di ko din matatandaan.

"May picture ka ba? Patingin nga. Baka nakita ko sya sa ball."

Kinapa kapa ni Erica yung bulsa nya.

"Ay. Wala yung phone ko eh. Baka naiwan ko sa bahay. Bukas ko na lang ipapakita sayo si Baby Robert." Sabi nya.

Nacucurious tuloy ako sa Robert na yun! Mukhang sikat na sikat yun dito eh.

---

Natapos ang araw na ang pinag-kwentuhan lang namin ay tungkol sa ball. Sobrang namangha sila. Sino ba naman ang hindi diba?

Ngayong araw, naging close na kaming lahat. Kahit si Angela ay sumama na sa kwentuhan namin.

I think magiging maayos ang pagtatrabaho ko dito sa FFL Zagada.

--

Pauwi na ko ng bahay nang may biglang tumawag sa cellphone ko.

"Hello?"

"Hi. This is Mia from the Royale Mansion. Is this Lian Raingel Verlins?"

"Uhm opo. Bakit po?"

"You are invited to come in the mansion as requested by Prince Adam."

WHAT?!

"Ha?"

"Yes ma'am. You have to come here by tomorrow, 8 pm. Wear a casual dress. A limo will pick you up there at exactly 7:45 pm. Thank you and take care."

The call ended.

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon