#BTMidnightBall ~ 4

46 2 1
                                    

"Perfect!" Sabi nung nag-ayos sakin.

Ano ba tong pinasok mo Lian? Kaya mo ba to? Eh hindi ka pa nga nakaka-experience ng ball since birth!!

"Ano po bang gagawin ko?" Tanong ko sa kanila.

"Just be yourself. Ienjoy mo lang yung ball. Pero be disciplined din. Pag may nagtanong sayo, gawa ka lang ng excuse lagi. Okay?"

HA? Anong excuse naman? Tuwing may magtatanong sakin lalayuan ko?

*ding dong*

Ay bongga. May doorbell pala to! Hahaha. Mabuksan nga yung pinto.

"Hey Ara-- Ara?"

Omg. It's Adam.

"Uhhh.. Hi." Di na naman ako makahinga! Jusko pano pa mamaya? Eh ang daming tao dun!

"Wait. Ikaw ba yan Lian? Why are you here? Bat ka nakagown?" Dere-deretsong tanong nya.

Di ko sya sinagot at hinila sa loob.

"Your highness, I'm very sorry. Pero si Ara po ba? Taga-slestica po? Hiningian nya po ako ng favor. Na pumalit muna sa kanya. May emergency daw po kasi. I'm sorry po di ko din alam yung--"

"Stop."

"Po?"

"It's okay, you know. Sanay na ko dun kay Ara. Ayaw nya talagang pumupunta sa mga ball. You're just unlucky na ikaw ang nakita nya ngayong araw. Hahahahaha."

Grabe. Ang perfect tumawa ng prinsipeng to. Ngayon ko lang naapreciate yung suot nya. Yan yung gawa ng FFL. It really suits him very well.

"And please? Wag mo na kong i-"opo." Ang weird kaya. I'm just 22. Hehe."

"Hahaha. Okay okay."

"Sorry to interrupt you, Lian and Prince Adam, but you need to go now. The ball will start in just minutes." Sabi nung stylist. Okay this is it!

Lumapit si Adam sakin at pinahawak na ko sa may arms nya. Yung parang pang-sosyal na hawak talaga?

At ako naman! Napaka-shunga! Di ko maiangat yung kamay ko! Sige nga ikaw hawakan mo ang isang prinsipe ng ganun ganun lang!

"Wag ka ng mahiya sakin. I'm harmless."

<3

"Sorry. Kinakabahan lang talaga ko eh." When I said that, he stopped walking. Kaya nahinto din ako.

Bigla syang humarap sakin.

"Wag kang mag-alala. Kasama mo naman ako palagi. I'll be on your side. Pag may kailangan ka or nagtanong sayo, tignan mo lang ako. Okay? Don't worry."

With his words, parang nawala lahat ng kaba ko. Ano ba tong taong to? Bakit ang bait bait nya? Hay.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makapunta na kami sa ball.

Ang ganda! Di sya ganung ka-crowded pero maraming tao. Tapos ang bango bango sa paligid. Amoy pagkain!

"Dun tayo." Pinunta nya ko sa may table na for two lang. Para daw makaiwas sa mga tanong ng iba.

----

After one hour, medyo bumabagal na ang music. Kanina kasi, mabilis. Parang party party. Tapos ngayon, mabagal na sya.

Sa loob ng isang oras, ang dami na naming napagkwentuhan ni Adam!

"Gusto mong kumuha ulit ng pagkain? Ikukuha kita."

"Ah hindi! Okay na ko. Thank you na lang."

Sobrang bait pala talaga ng taong to. Nakikita ko kasi na ang dami nyang kakilala, tapos sobrang gentleman nya pa!

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon