#BT8Bus

23 1 0
                                    

*Riiiiiing! Riiiiiiing!*

"Hello?"

"Hi Lian! This is Adam. Ready ka na for later?"

Myghad. Agad-agad?

"A-ah hehe. 8 am pa lang ah! Ang aga mo naman mag-check." Sagot ko.

"Hahaha. Kagigising mo lang ba? Sorry ah. Excited lang ako."

ANO BA ADAM WALA PA KONG ENERGY PARA KILIGIN!

"Hello? Still there?"

"A-ay! Hello. Haha. Bangag pa ko! Oo ready na ko. Basta 7 pm ha? Kailangan ko ng umalis eh. Bye!"

"Lian wa--"

Pinatay ko na yung tawag at dali-daling pumunta sa cr. 8 am na jusko malalate na ko!! Bat ba kasi ngayon lang ako nagising?!

--

After 1 hour, natapos na ko at umalis na ng apartment. Bibili na lang ako ng pandesal dun sa labas.

Habang naglalakad, biglang may nagtext sakin. Unknown number.

From: 09457295730

Hi Ma! I'm so sorry di ako makakapunta ngayon dyan. Baka mabuking ako ng magaling kong tatay eh. Hahaha. Ingat ka ha! I love you ma!

Napatawa na lang ako nung nabasa ko. Ano ba? Rereplyan ko bang wrong send sya? O hayaan ko na lang?

Eh kapag hinayaan ko naman, baka mag-expect ng reply! Maitext na nga.

To: 09457295730

Good morning! This is not your mom po. Wrong send hahaha. Ingat! :)

Kabog napaka-galang ko naman dito. Hahahaha. Makabili na nga ng pandesal.

Huminto muna ko para bumili ng pandesal dito kay Kuya. First time kong makakabili dito pero dati pa ko natatakam. Ang bango bango kasi every morning!

"Kuya 6 pesos po." Sabi ko at kumuha naman sya ng pandesal.

"F*ck." Nagulat ako ng nay mag-mura dito sa likod ko. Nakatalikod sya naghihintay yata ng masasakyan. Nakatutok syang mabuti sa cellphone nya.

"Ma'am eto na po." Nabalik ako kay Kuya na ibinigay na yung pandesal sakin. Nagbayad na ko ng anim na piso.

Tinuloy ko na ang paglalakad habang kinakain yung pandesal. Di din nagtagal at nakapunta ko sa FFL.

--

"Lian. May new order tayo online. Ireview mo nga." Utos agad sakin ni Angela. Mukhang busy sila lahat ah.

Binuksan ko yung laptop at chineck ko, meron nga.

"Meron. To be delivered daw mamaya." Sabi ko. Ano ba yan pina-rush pa!

"Oh ikaw na bahala dyan Lian. Busy kami." Sabi ni Angela.

"Bakit ako?! Nagdedeliver lang ako dito no."

Syempre loko lang yun. Ayoko lang talaga gumawa ngayon. Hahahaha.

"Okay! Edi ikaw magdeliver mamaya. Anong oras ba?" Tinignan ko kung anong oras, 6pm!

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon