#BT10HuliKa

16 0 0
                                    

"GABRIEL?!"

Teka. 'Di nagfufunction ang utak ko. What is he doing here?

Mukha din siyang gulat na gulat. Ang laki ng mata.

"Magkakilala kayo anak? Who's Gabriel, iha?" tanong ni ma'am. Napatingin din ako. Magkamukha silang dalawa.

"Alis na ko 'ma! Baka magalit sakin si Papa!"

"OMG!" Napatakip ako ng bibig nung na-realize ko. Mama? Anak? What is this?!

Bago pa ko magsalita, hinila na ko ni Gabriel sa labas ng bahay.

"Aray ko ano ba! Bitawan mo nga ko!" Hinila ko yung braso ko sa kanya. Ano bang trip nito.

"What are you doing here?!" Pasigaw niyang tanong. Well, as expected.

"What am I doing here?! Nagtatrabaho ako sa FFL hoy! Ikaw ang dapat tanungin ko, what are YOU doing here?" Pinagdiininan ko pa yung YOU.

"And who's Gabriel?"

Tignan mo tong taong to. Pagkatapos kong effort-an yung pag-eenglish ko dedeadmahin lang yung tanong ko?

"Wala kang pake. Aalis na ko." Bahala ka diyan ganda mong kausap.

"LIAN!!!"

"WHAT?!"

Napasigaw na din ako. Bat ba G na G ka ha! Ang tahi-tahimik ng lugar tas ang ingay mo!

"Forget everything. Kalimutan mong nandito ako. Kalimutan mong nagkita tayo. Understood?" Humina na yung boses nya.

"It will depend on your behavior, Mr. Tylins. So if you don't mind, I have work to do." BOOM! Thug life ako dun guys. Palakpakan nyo ko please.

Pumasok na ulit ako sa loob ng bahay. Para matapos na tong kalokohang to.

"I'm sorry po, ma'am." Binigay ko na yung delivery.

"Magkakilala kayo?"

"Hindi po. Magkamukha lang po pala, OA lang po ako. Akala ko po yung friend ko si Gabriel." Sabi ko.

"Ah. Sabi na nga ba. Hindi naman Gabriel pangalan nun."

"Hehe. Sorry po." Nag-peace sign pa ko para lang pagtakpan ka-shungahan ko kanina.

---

Nakauwi ako ng FFL after 1 hour. Ugh haggardness! Nakakapagod.

"Oh anyare Lian? Para kang nalugi diyan." Bati ni Angela pagpasok na pagpasok ko.

"Wait. Magpapahinga lang ako ng very very light and may ikukwento ako sa inyo. Okie? Bye!"

Dumeretso na ko sa kwarto dun na parang pahingahan namin. May kama, sofa, cr, tsaka tv. Bongga diba.

Naghilamos muna ako ng mukha. Di talaga matanggal sa isip ko yung mga ganap kanina.

"Magkamukha talaga sila eh." Tsaka Mama? Narinig ko yung mama na sinabi ni Gabriel. Nakatingin siya nun kay ma'am Oliver. Tapos sinabi niya din yung Anak kay Gabriel.

Pero may nanay si Gab diba? The queen. Bakit tinawag niyang mama si ma'am Oliver?

"Aish! Bahala na nga! Makatulog na lang." Nagpunas na ko ng mukha at humiga sa kama. Magpapahinga muna ko.

--

= Robert's POV =

"Who is she?" Malumanay na tanong sakin ni mama pagpasok na pagpasok ko ng bahay.

"I don't know." Wala na kong time para mag-explain. She's just a stranger, though.

Pumunta ko sa kusina para uminom ng tubig. Nakaka-dehydrate yung babaeng yon.

"Don't me, nak. Don't me. Girlfriend mo no?!"

Napabuga ko ng tubig. WHAT THE HELL?!

"MA NAMAN!!!" I shouted. Ano bang prediction yon?

"Ang OA mo. Niloloko lang kita. Tss." Pero yung ngiti niya, may kahulugan eh. Mapangloko. -_-

"Stop it, ma. Napakalayo."

Tinaas niya lang yung dalawang kamay nya na parang nagsusurrender.

Kinuha ko na ulit mga gamit ko. Paalis na dapat ako eh kung di lang dumating yun.

"I'll be going, ma. Bye." I kissed her on her cheeks and waved goodbye.

Sinuot ko na ulit yung cap at jacket ko. Pati na yung mask. Ayoko pa sanang umalis, kaso wala sa mood si Papa ngayon. Baka mabadtrip pa sakin pag nalamang wala ako sa bahay.

Nagsimula na kong maglakad pabalik. Malayo pa lang, naaaninag ko na yung adik na humabol kay Lian kanina. Ang loko wala pa ring kahit anong pang-itaas. Kahit gigil na gigil na ko, hinayaan ko na lang.

"Kumalma ka. Hindi mo na dapat pinapakialaman yung mga ganyang tao."

Pero pag daan ko, narinig kong mag pinag-uusapan sila nung kasama nya.

"Kung maka-asta kala mo namang may interes ako sa kanya! Pre kung nakita mo lang! Poste pre poste! Plat na plat! Hahahahahaha!"

"ABA'T SIRAULO KA DIN PALA NO!"

Di ko na napigilan. Sinuntok ko siya saktong sakto sa pisngi nyang butas butas.

Syempre di niya hahayaan yon. Gumanti din siya ng isa pang suntok pero naunahan ko na siya bago nya pa magawa yon.

Nang mapahiga na siya, sabi ko, "Isa pang makita kong nambastos ka ng mga babae, ikaw ang isasabit ko sa poste."

Umalis na ko. Baka mapatay ko pa yung kupal na yon.

Pinagtitinginan ako ng mga tao habang papasakay ng bus. Nagbubulungan din sila. Anong meron?

I saw my reflection on the window once I was seated. Shit! Wala pala kong cap at hood! Dali-dali kong itinaas yung hood ko para di ako makilala. Buti na lang may konting dugo ako sa labi at gulo-gulo yung buhok ko.

After about 30 minutes, nakarating na din ako sa Zagada.

As usual, lumabas ako ng bus at naglakad ng nakatungo. Medyo mahapdi na yung labi ko dahil nagasgasan yata kanina nung sumalang suntok ni adik.

Hay! Ano na naman ba gagawin kong dahilan kay Papa---

"HULI KA!"

= Lian's POV =

Pagkagising ko, gumawa na ko ng mga kailangan gawin at umuwi na din. May date pa kami ni Adam rightttt.

Pero naalala ko wala na nga pala kong tissue paper sa bahay. So pumunta muna kong convenience store na malapit.

Habang naglalakad, nakita ko si Gabriel na papabalik. OO KILALA KO NA YON KAHIT NAKATUNGO. Di ba naman mawala sa isip ko kanina pa. -_-

Nung tumingin siya sa taas, napansin kong parang may red red sa labi nya.

"Dugo ba yun?"

Ano na naman ba ginawa ng taong yun at may dugo. Di mo talaga aakalaing prinsipe to eh.

Tss. Bahala na!

= Robert's POV =

"HULI KA!"

Napatigil ako sa paglalakad dahil may humarang na maliit na nilalang sa harap ko.

"Aren't you done destroying my day?" kalmado kong sabi.

"ANONG DESTROYING YOUR DAY?! ANO BANG GINAWA KO SAYO NAGKITA LANG NAMAN TAYO SApmkdcisbsos---"

Sinapakan ko na lang siya ng panyo sa bibig. Napakaingay! Aalis na ko.

"Pwe! Hoy Gabriel wag mo kong tinatalikuran! Oh ayan!"

Saktong pagharap ko may lumilipad na plastic papunta sakin. Buti na lang magaling ako at nasambot ko.

Umalis na din siya ng padabog after nun. ANO BANG TRIP SA BUHAY NG BABAENG YON?!

Dumeretso na din ako sa bahay. Sirang sira na araw ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon