#BT9Closer

17 1 0
                                    

Tumigil ang bus at nagsakay ng mga pasahero. Pumasok ang isang matanda na mga 65 years old na. Tumingin ako ng free seats, wala na! Tsk tsk pano yan?

Tinignan ko si Gabriel. Nakashades ang anghel. Tulog yata.

Pero kahit gising naman yan di nya papaupuin yung matanda. Yan pa!

Okay. Ako na. Papaupuin ko na dito.

"Lola--" Biglang may humigit sakin paupo, si Gabriel! Hinubad nya yung shades nya at tumayo.

"Stay." Sabi nya at pinaupo si Lola sa seat nya.

Nakatitig lang ako kay Gabriel. Panaginip ba to? Isang Gabriel? Ibinaba ang ego nya?

"Sampalin mo nga ko." Sabi ko sa kanya.

"Are you crazy?" Reply nya naman.

"Nagpaupo ka talaga?" Oo ako na di talaga makapaniwala. Di to si Gabriel!

Literal na sineen nya lang ako at humawak na sa itaas ng upuan ko dahil umandar na ang bus.

"Kagwapo naman ng kasama mo, ineng." Sabi ni Lola.

"Hahahahahahaha!"

"Oh bat ka natawa?" Tanong nya.

"Ah wala naman po. Tsaka di ko po sya kasama hehe."

"Sus. Amin amin din pag may time." At nag-wink pa! Anong sinasabi ni Lola? Yung totoo? Bagets na bagets! Hahahaha.

Dumaan ang isang oras, wala pa rin kami. Etong katabi kong nakatayo mukhang antok na antok na.

"Uy okay ka lang?" Tanong ko. Tumingin naman sya. Juskopo heaven!

Itinaas nya lang yung dalawang kilay nya. It means oo. Na hindi naman.

"Gusto mo dito ka na ako na lang tatayo."

"Kung gusto mong magpabida, maghanap ka ng ibang papaupuin mo dyan. Hindi yung ako pa iistorbohin mo."

WHAT THE?! Ako na nga yung nagmamalasakit sa kanya sya pa tong may ganang magsabi ng ganyan?!

"Concern na nga sayo mygosh!" Siniringan ko sya at kung pwede lang talagang pumatay sa tingin nako!

"Wag ka ngang maingay!" Pabulong nyang sabi.

"Ikaw tong nagiingay eh!" Syempre bumulong din ako.

"Shhhh." Pareho kaming napatingin kay Lola na natutulog na.

Di ko na lang sya pinansin. Bahala ka dyan.

---

"Cagauan na Cagauan! Sino bababa!" Nagsimula ng magtawag si Kuyang konduktor. Dito na ko bababa!

Inayos ko na mga gamit ko at tumayo na.

"Excuse me." Sabi ko kay Gabriel. Tumabi naman sya.

Bumaba na ko. Kinuha ko yung address sa bulsa ng bag ko.

1516 Lanzones St. Cagauan, Zagada

Eh nasaan ako?

Ayt. Bahala na! Maglalakad lakad na lang ako baka sakaling may makita kong numbers ng bahay.

After 10 mins wala pa rin akong napapala. Puro kalsada at puno naman yung nandito eh! Walang bahay!

"Hi miss." Okay? Sino tong mukhang adik na nandito? Not to judge pero mukha talaga syang adik.

Nginitian ko lang at naglakad na ulit. Baka mamaya kung ano pang gawin sakin nun.

"Oy oy! Bat mo ko tinatalikuran?! Hoy miss!"

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon