#BT6WeMeetAgain

34 3 0
                                    

"Okay ba to? Or eto na lang? O kaya ayun? Ano ba?" Tanong ko kala Erica habang tinuturo yung mga damit.

"Maganda yun oh." Turo ni Janine dun sa red na sleeveless na dress.

"Psh. Mas bet ko to! Ito na lang!" Kinuha naman ni Erica yung floral na dress.

"Ang papanget ng taste nyo guys. Ito ang pinakamaganda no." Kinuha ni Patricia yung white na off shoulder na dress na fitted sa upper part and pa-balloon style sa lower part.

"I agree kay Pat. You should wear that. Bagay sayo yan." Sabi ni Angela.

Nandito lang naman sila sa bahay lahat para lang tulungan ako sa pagdadamit! Hay nako pahirap kasi yung dinner eh!

Kinuha ko yung damit na hawak ni Pat at tinry ko sa cr.

"Perfect!! Ang gandaaaaa!" OA na reaksyon ni Erica. Hahahaha.

"Hindi ba masyadong bongga? Dinner lang naman eh." Tanong ko. Baka mamaya kasi ako lang yung nakaganun don.

"It's the Royal mansion Lian! Duuuuh. Lahat dun bongga okay. Baka nga ikaw ang pinakasimple dun eh." Sabi ni Janine.

Well, may point. Pero kasi di ako masyadong kumportable dito sa suot ko. Feeling ko ang OA.

"Eh kung mag pants na lang kaya ako?"

Pag pants naman, parang gagala ka lang! Baka naman sabihin nila di ko pinaghahandaan--

*ding dong!*

"They're heeeeere! Ako na ako na!" Tumakbo na si Erica papunta dun sa pinto at binuksan yun.

"Oh. Andyan na sila okay? Be your disciplined self. Pag may problema tawag ka lang samin." Last words ni Angela tsaka binigay yung bag ko.

"As if naman may mangyayaring problema diba? Wala yun! Thank you guys." Ngumiti ako at binesohan silang lahat. Sila na bahala sa kwarto ko.

"Bye!"

Sumalubong sakin ang isang limo. Color white at may tatak na "The Royalé" sa gilid. This is ittttt.

Pumasok na ko sa loob. Color gold yung loob nya.

Nagsasayang lang ng gas tong limousine na to eh. Ang lapit lapit lang ng mansyon kaya! Dapat naglakad na lang ako. 5 minutes lang yata ang biyahe eh.

"We're here, Ma'am." Bati sakin nung driver. May bumukas sa pinto. Another guy at inalalayan nya kong bumaba.

"Uhm, Lian Raingel Verlins po." Sabi ko dun sa microphone.

"You may come in." Sagot naman nito sakin. Bumukas na yung pinto ng Royalé at may sumalubong saking isang babae.

"Good Evening Ms. Verlins. Thank you for accepting the invitation. This way please."

Hindi katulad nung ball, sobrang tahimik sa loob. Ang maririnig mo lang ay tunog ng piano at violin. Nakakaantok naman dito.

Di ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko! Kinakabahan ako ng sobra!

"Pasok ka na lang sa pintong yan. Di na kita masasamahan sa loob. Have a great night, Ms. Verlins." OMG IIWAN NA NYA KO? It means ako na lang mag-isa? Ohhhh myyyy goooosh.

Di ko alam kung papasok ba ko sa pintong to. Namamawis na nga yung kamay ko eh! What to do what to doooo?

"Lian?"

"Ay Lian!"

Biglang sumulpot si Adam sa likod ko.

"A-a-ahm good evening, your highness." Nag-bow ako sa kanya.

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon