#BTTheMeeting ~ 3

53 4 2
                                    

Pumunta na ko sa labas at humanap ng taxi.

Binigay ko kay Kuya driver yung address.

"Ah. Pupunta po kayo sa Royalè ma'am?" Sabi nya.

"Sang po Royalè?" Ang classy nung name ha. Pang-mayaman.

"Sa Royal Family po mam. Di nyo po alam?"

"Sa royal family?" Ohhhhemmmgii.

"Opo. Malapit lang po yun dito. Tanaw nyo po yung mansion na yun? Dun lang po sila nakatira. Pwede nyo na lang po lakarin para di na kayo gumastos."

Tinignan ko yung tinuro ni Kuya driver. At aba, malapit nga lang. Ang laki naman ng mansion na yun.

"Ganun po ba? Sige po lalakarin ko na lang. Thank you Kuya."

Lumabas na ko sa taxi at maglakad papunta dun sa mansyon.

Ang sosyal naman pala ng FFL dito. Pati royal family nagpapagawa. Sosyaaaal.

"Nasan ba yung entrance dito?" Pumunta ko sa magkabilang dulo ng masyon. Aba! Walang pinto! Shunga lang ang peg pero wala talaga!

"Searching for something?"

"Ay anghel!!"

Oo na. Meant to be na talaga kami ni angel gabriel.

"Anghel? Alam ko. Tss. Ano bang ginagawa mo dito?" Aba! Kung makapagtanong to akala mong dito sya nakatira ha.

"Alam mo ba kung nasan yung pintuan papasok? May ihahatid kasi akong damit eh. Kung di mo alam okay lang naman hehehe." Bumalik na ulit ako sa paghahanap ng pinto.

"You're joking right? Ako? Hindi malalaman kung san ang pinto? Eh nakita nga kita mula dun sa bintana eh."

O.O

"Uhhh.. Wait. Dito ka nakatira?" Tumingin ulit ako sa kanya. Ohhhh he looks mad.

"I'm a prince! The heck. Sisirain mo pa araw ko! Bahala ka dyan! Tss."

Oh my gosh Lord. Bigti na po. Kainin nyo na ko lupa please!!!!

"So-sorry! Sorry po, your highness! Sorry po!" Lumuhod pa ko sa kahihiyan. Ughhh prinsipe sya ng Zagada, Lian! Napaka bobo mo talaga!

"Tumayo ka na dyan. Follow me." Pinaalis ko muna sya bago ko tumayo. At hindi ako tumitingin. Nakatungo lang ako. Ano ba kasi!

May something syang pinindot at biglang nagpakita ang mahiwagang pinto. ABA. HIGHTECH ANG LOLA MO.

"WOW." One word, WOW. Sobrang laki sa loob! At ang daming tao! Mostly naka-pang maid uniform. Tapos yung iba, royalty!!

"San mo ba idedeliver yang mga damit?" Tanong ni Gabriel. Oo pinangalanan ko na sya since mukha naman syang anghel.

"Uhm. Dun na lang po sa ano.. dun sa.. Eh wala po ba kayong taga-tanggap ng mga damit? This is from Fashion For Life po."

"Ah. From FFL. New hire ka? Tss. Sige dun mo ibigay sa kapatid ko. Deretsuhin mo lang yang hall na yan tapos kaliwa. Pag nakita mo yung sign sa pinto na "Adam," pumasok ka." Hay nako! Hindi pa sya ang tumanggap! Jusko napakatamad.

"Sige po. Salamat."

Lumakad na ko padaretso sa hall at kumaliwa.

"Okay. Adam... Adam.... Adam... Where are you adam... Aaaaaaaaadam.." Ayun! Adam! Kumatok na ko sa pinto.

"PASOK! Hahahahahaha!" Medyo napatigil ako. Ang wild sa loob! Ang ingay!

Dahan dahan kong pinihit yung pinto pabukas.

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon