Snippet 6 - Stay

2.6K 69 18
                                    

At dahil sobrang lss ako sa song na to...

************************************************

I looked at the time.

9:59 AM.

Agad akong tumakbo. I have to make it. I have to be there for her.

Kahit man lang sa huling pagkakataon, makita ko siya.

I had to leave my car behind. Pucha! Traffic kasi. Takbo dito, takbo doon. Makarating lang ako on time.

Wala nakong pakialam kung makabangga man ako ng mga tao. Gusto ko lang siya makita, makasama kahit sa huling pagkakataon man lang.

Heck, sorry nalang ako ng sorry sa lahat ng mga taong nababangga ko. Minsay may nagagalit, pero di ko na yun alintana. I can't believe myself na hanggang sa huli - sa huling pagkakataon - ay yun pa rin ang salita na lalabas at lalabas sa bibig ko.

Sa wakas.

Nakarating na rin ako.

Kahit man lang dito, masuportahan ko siya. Kahit mahirap at masakit, she needs me to be here. She asked me to be here. All for her.

All for her.

Inayos ko ang sarili ko. Saka ko lang napansin na gusot na ang suot kong polo shirt at haggard na masyado ang mukha ko. But who cares. I'm just going to be here. Hindi naman niya sinabi na dapat magmukha akong tao. And besides, I'm not even supposed to be here kundi man dahil lang sa kanya.

Pumasok na ako through the side doors. And just like that, upon the sight of her, I felt myself cry.

Sino ba namang hindi?

She was walking down the aisle, in the most pristine white wedding dress I have ever seen, taking each step gracefully towards the altar - towards the lucky man who got her to say yes. Ang ganda niya. This was more beautiful than the image of her walking down on my mind. Makikita mo sa kanyang mga mata ang mga ngiti na nooy nagpapaliwanag sa mundo ko. Makikita mo sa kanya ang labis na kasiyahan sa daang tinatahak niya ngayon. If I was not mistaken, she was crying.

But hers, well, they were tears of joy.

While mine? These were tears of a man who endured so much pain just to see her happy again.

As I continuously stared at her walk from afar, I can't help but reminisce.

Flashback...

We were  walking in front of a church. Kakagaling lang namin sa park to buy dirty ice cream. She was throwing a fit because she wanted to eat one, kaya I brought her there. It seemed to work since that wide smile she had always been known for was plastered on her face.

She grabbed my hand and dragged me into the church.

And there, we saw a wedding.

We stopped just inside the entrance, looking straight at the altar.

Tahimik lang kaming pinagmamasdan ang mga pangyayari.

Ly: Gusto ko pag kinasal ako, kahit di man bongga, kahit ganito lang na sobrang simple, basta tayo. Okay na okay na ako.

Tinignan ko siya and I can't help but smile. She's truly something else.

Kiefer: Promise ko sayo Ly, pag kinasal tayo, hindi ako papayag na you get less than what you deserve. Gagawin ko ang lahat na mabigay sayo ang kasal na nararapat sa isang taong tulad mo.

Snippets (One shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon