Snippet 9.2 - Broken Strings

2.1K 63 12
                                    


A/N: Read previous snippet. This is Part 2. I repeat this is part 2! :)


"Alyssa!"

I called her, hoping she'd look back.

But she didn't.

That day... That day she walked out on me. She walked out of my life.

And it has never been the same.

"Banamanyan, paps. Kanina pako talak ng talak dito, di ka man lang nakikinig."

Para akong binuhusan ng mainit ng tubig ng suntukin ako ni Von sa braso. Kakatapos lang ng training namin, at di ko namalayan nakatunganga na pala ako habang naghihintay mabakante ang shower room.

Von: Chix ba yan?

Binatukan ko nga si Von. Kung anu-ano kasi lumalabas sa bibig.

Von: Aba, bago yan ah. Si Kiefer Ravena namomroblema sa babae.

Kief: Sabi nang di to tungkol sa chix eh.

At ang loko tinawanan lang ako. Sakto namang lumabas na ang iba naming teammates kaya naglakad na kami papasok ng shower room. Buti naman tumahimik na si Von. Pero panandalian lang pala.

Von: Himala ata, paps, wala si Alyza ngayon.

Kief: Ah, ewan ko dun.

Von: Kayo pa ba? Wala ka na atang pake sa kanya, ah?

Napabuntung hininga nalang ako. Totoo naman, eh. Lately iniiwasan ko si Alyza. Ewan ko ba, parang ayoko siyang makasama. Girlfriend ko pa rin naman siya.

Sasagot na sana ako kaso nagsalita na naman ang mokong.

Von: Si Ly rin paps. Kamusta na? Hindi ko na siya nakikita, ah.

Na estatwa ako sa tanong ni Von. Paano ko nga ba yun sasagutin? Ako rin naman, di ko na siya nakikita. Di ko na siya nakakatext. Wala na nga akong kahit na anong balita tungkol sa kanya. Sinubukan kong kausapin si Ella, pero wala rin siyang maisagot sa akin.

Kief: A-alam mo, Paps, you're too nosy for a guy.

Von: Bakit ba, I miss her, eh.

Kief: What?! You like Ly?!

Nabigla ako sa naging reaksyon ko pero too late, nangyari na. Buti naman parang wala lang kay Von.

Von: Well, what's there not to like?

Totoo nga naman. What's there not to like about Ly? Ang bait bait niya. Di marunong magalit, humble, palaging iniisip ang kapakanan ng iba. Maganda rin siya, saka matalino. Sikat at magaling na atleta.

Tumahimik nalang ako. Wala naman akong masasabi. Actually, parang ayaw kong pag-usapan.

Von: Oy paps. Natahimik ka jan.

Lumingon ako kay Von.

Kief: Ay sorry, paps. Naisip ko lang bigla na may exam pala tayo mamaya. Pakopya ah. Di ako nakapag-aral eh.

Von: Basta ba lakad moko kay Ly. Wala namang problema sayo yun, di ba? Bestfriend mo siya, bestfriend mo rin ako. O diba? Bagay kami?

Tumango nalang ako kay Von at naglakad palabas. Tangna ano bang mga pinagsasabi niya? Nabigla ako dun, ah.

Kief: Sige na, alis muna ko, nasa labas na si Alyza.

Kahit wala naman talagang Alyza na naghihintay.

******************************

Tatlong buwan.

Di ba sabi nila that's all you need to move on? Kaya nga may three month rule di ba? Pero bakit parang di effective?

Snippets (One shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon