Snippet 6.2

2.6K 103 21
                                    

I rushed out of the church immediately, through the same doors he went out of.

Pagdating ko sa kalsada, nagpalinga linga ako. Left. Right. Front. Back. Repeat.

Alam ko buhok pa lang niya makikilala ko na agad siya. But there were no signs. Ang bilis niya namang mawala.

Pero kahit ganun pa man, tumakbo pa rin ako patungo sa kung saan. Bahala na. Kung kami talaga, magkikita at magkikita pa rin kami. Kaya please tadhana, im desperate. Please cooperate with me.

Di bale nang wala akong sapin sa paa basta makita ko lang siya. Pag nangyari yun, hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.

Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. It's impossible not to with me running out of a church in a wedding dress. Runaway bride, I could read their minds. But I don't care. The only thing I care about right now is him.

Finding him.

Malayo layo na rin ang natakbo ko pero wala pa ring signs na napadaan dito si Kiefer. Siguro, he had his car kaya ang bilis niyang mawala. Badtrip naman kasi wala akong dalang cellphone. Hindi ko siya matawagan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naglakad na lang ako kalaunan upang maghanap ng mauupuan sandali para makapagpahinga ako. Five minutes lang.

Pagkaliko ko sa isang curb, nakita ko ang isang pamilyar na kotse na nakaparking sa gilid ng kalsada.

Tada! Kotse niya.

Agad ko iyong pinuntahan at kinatok ang mga bintana. Sinubukan ko ring buksan ang mga pinto pero wala ata talaga tao sa loob. Then i realized na he's just somewhere in the vicinity. Andito pa ang kotse niya.

Pero pagod na ako. Sa sobrang init ng kalsada. Sa pagtatakbo ng nakapaa. Sa pag-iisip sa kanya. Pero hindi ako titigil. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita, nakakausap, nahahagkan at napapasaking muli.

Gayun pa man di ko mapigilan ang mapaupo sa kalsada at mapa buntong hininga.

Nasaan ka na ba, Kiefer?

Napalingon ako sa likod ko ng may nag-abot ng tissue sa kin. Isang matandang babae ang nakangiti sa akin at inaalok ako ng tissue.

Ale: Sige na neng. Puno ka na ng pawis, o.

Tinanggap ko naman agad ang inilahad niya at pinampunas sa tumatagtak na pawis sa aking mukha. Siguro kung hindi lang waterproof ang makeup ko, kanina pa ako nagmukhang zombie.

Ale: Hinahanap mo ba ang may-ari ng kotseng yan, neng?

Tumango ako.

Ale: Naku nagpark lang kanina sa sobrang traffic. Nagmamadali nga yun, e, papuntang simbahan ata. Ikaw ba hinahabol nun?

Ay si ale tsismosa pala. Pero okay na rin to. Nakapag desisyon na kasi akong antayin nalang si Kiefer dito. Panigurado babalikan niya ang kotse niya. Buti na rin at may kausap na ako.

Pinatayo ako ni Ale, saka pinaupo sa bakanteng upuan sa harap ng karenderya niya. Siya pala ay dun nagtitinda.

Ale: Mahal na mahal ka ng batang yon. Nakikita ko sa mga kilos niya. Ano? Nakaabot ba?

Ly: Ah, opo. Pero umalis po siya agad, e. Di ko alam san hahanapin.

Ale: Naku! Mabuti yan neng. Ang pagmamahal pag totoo dapat pinaglalaban.

Tama nga naman siya.

Ale: Pero yung batang pogi, di pa rin siya bumalik dito e. Di ko rin nakitang napadaan. Mabuti pa maglakad ka pabalik ng simbahan. Panigurado makakasalubong mo siya.

Snippets (One shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon