Hey guys!
Almost forgot about this so... here goes an update!!!
*******************************
"Kiefer!!!!"
Umagang umaga pero nakasigaw na agad ako. Pano ba kasi masama na nga pakiramdam ko, wala pang breakfast sa mesa. Hay.
Nagpunta nalang akong living room at nanuod ng tv. Walang sumagot sakin, e. Bahala siya. Tinatamad din kasi akong mag prepare ng sarili kong breakfast. Spoiled kasi e.
Maya maya lang nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Nakita ko naman siyang papasok dala ang isang duffel bag at dalawang grocery bags.
Ly: At san ka galing ha?! Lam mo bang kanina pa kita tinatawag kasi walang breakfast?! Gutom na gutom nako!
He just rolled his eyes at me and put the bags on the countertop.
Kief: Malay ko bang gutom ka na ng ganito kaaga, mahal na prinsesa?! Sa dami ba naman ng kinain mo kaninang alas dos, akala ko lunch ka pa kakain ulit! Di naman ako na inform nakaprogram ka palang eight times a day kumain!
Yes, we woke up at two in the morning kasi gusto kong kumain. Well, actually, di talaga nakukumpleto ang gabi ko pag di ako nakakapag midnight snack. If you can still call that midnight. As for him, it's one of the things na ayaw niya everytime he sleeps over kasi nadadamay siya.
Ly: Nagrereklamo ka?! Wag ka nalang matulog dito!
Kief: Sus! Kung wala ka lang sakit, iiwan na talaga kita dito! Apaka moody mo, leche!
At yes, hindi kami nakatira sa iisang bahay. Condo ko lang ito at bestfriend ko siya. At ganyan talaga ang turing namin sa isa't-isa, animo'y aso't pusa kung mag-away. Pero wag kayo, mahal ko yan. Nag-iisa lang yang bestfriend ko na yan.
Anyway, nakita ko namang unti unti niyang inunpack ang mga pinamili niyang grocery pero kebs. Wala akong pake. Manonood lang ako ng tv lalo na't adventure time ang palabas. Hindi naman siya makakareklamo sakin kasi nga may sakit ako, at naturingan siyang personal nurse ko.
Kief: Hoy! Anong gusto mong breakfast?!
Ly: Pancake!!! Tas lagyan mo maraming maple syrup! Limang layers ah!!
Kief: Pancake na naman?! Mukha mo nagiging pancake na rin! Wag yun oy! May sakit ka. Dapat healthy. Dapat veggies at fruits!
Tamo to, tatanong tanong tas di naman pala susunod sa gusto ko. Weirdo!!!
Ly: Nagtanong ka pa?! Bahala ka nga jan!
At hindi ko na siya pinansin after nun. Nag concentrate nalang ako sa panunuod. Naeenjoy ko naman since favorite show ko nga to. Muntik nga lang akong makatulog kalaunan. Buti nalang saktong tumawag si Den.
Ly: Oh. Besh.
Den: Besh, kamusta? Okay ka na?
Ly: Eto, mej mainit pa rin. Saka onting headache.
Den: Besh, napaschedule na nga pala kita kay Dra. Ramirez ng checkup ngayong umaga. 9am. Punta ka nalang dun ha. Di kasi ako makakasama. Nag 36 hr shift ako, e.
Ly: Sige bes. Okay lang. Punta nalang ako later. Thank you ha.
Den: Make sure may kasama ka, okay? Sige na besh. Tulog na muna ako. Pagod ang doktora. Bye!
Ly: Don't worry besh. Andito si Kief so may nurse ako. Pahinga kana besh. Bye!
At nilagay ko na ulit ang phone ko sa mesa bago naglakad patungong kitchen. Nakita ko namang nagsslice si Kiefer ng mga apples. Ayoko ng apples pero ang cute kasi super red sila kaya natakam na rin ako. Kumuha ako ng isa. He didnt mind.
BINABASA MO ANG
Snippets (One shots)
FanfictionA snippet is a bit, fragment, piece, particle. For most, a black flower symbolizes the negative. But for a few, it is cool, bold and elegant in all its minimalism.