I have been staring at them for far too long. But what could I do? I can’t just barge in on them. I can’t just make a scene. I didn’t have the right to. For now, this is all that’s left to do. Hanggang tingin lang talaga ako.Akala ko… akala ko, okay na lahat, eh. Masaya kami, nagkakaintindihan, nag-aasaran – okay fine – nag-aaway pa rin naman, pero at least, di ba, nanumbalik na iyong dati naming pagsasamahan. No. At least something close to what we had before. Before things happened.
I sighed.
Kinukumbinsi ko ang sarili kong ako pa rin naman ang mahal niya, kahit alam kong hindi na. Kahit may ebidensya na sa harap ng aking mga mata. Kahit… kahit ang sakit sakit na. Manhid? Tanga? Sige, okay lang. Totoo naman, eh. Pero tell me, what can I do? How should I move on from something na kahit ilang beses ko nang sinubukang itakwil, eh, pilit pa ring bumabalik? Kalimutan nalang? Paano nga ba magagawang kalimutan ang mga alaalang bumuo na sa pagkatao ko, ang mga bagay na naging parte na ng sistema ko, ang presensyang nakasanayan ko? Hindi ba’t kasama ng naturang paglimot ang pagkawala na rin ng sarili ko? And maybe, maybe that’s where I went wrong. I built myself around him. But can you blame me? He was the effin’ man of my dreams, and as fairytales go, not everyone gets to have the chance to be with the prince charming. I was given that chance. I did my best to keep it that way. But then I guess, my best was never enough.
Siguro, I was never enough.
Tinignan ko silang muli habang naghaharutan. Kakatapos lang niyang magtraining ng basketball, at kasalukuyan siyang pinupunasan ni Alyza. Dapat ako yan, eh. Dapat ako ang nag-aalaga sa kanya. But my time was over. And I guess, hanggang dito nalang talaga ako. Masakit man, pero it’s time to let go.
Kung paano at saan ako magsisimula, ewan ko. Pero siguro panahon na nga na mahalin ko naman ang sarili ko.
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata at nagtungo ng locker room. Bawal ako ditto pero dahil wala pa namang tao, pumasok na ako. Hinanap ko ang locker niya at nilagay doon ang dapat sana’y lunch niya na niluto ko pa. At mabilis akong naglakad palabas – palayo sa kanya at palayo sa pag-asang ako’y mapapasakanya.
x x x
“Besh, kanina ka pang tulala diyan? May problema ba?”
Napukaw ako sa pagmumuni muni ng kalabitin ako ni Ella, isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha at mukhang kanina pa siya nababahala. Siguro, kanina niya pa ako kinakausap. Hindi ko man lang namalayan.
Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.
Ly: Ay sorry, besh. Napaisip lang.
Ella: Hay nako. Bahala ka na nga. Mukhang di rin naman kita makakausap ng maayos ngayon. Alis muna ko, malelate na ako sa class ko.
Akmang tatayo na siya ng pigilan ko siya. Hinawakan ko ang wrist niya. Tumingin siya sa akin na may pagtataka sa kanyang mukha.
Ly: Ella, one question.
She gave me a go signal as she put her bag on her shoulder.
Ly: Am I not enough?
Nagpakawala siya ng isang malalim ng buntong hininga saka hinawakan ang kamay ko.
Ella: Besh naman. Yan na naman ba. Pangatlo mo nang tinanong sakin yan, eh. Of course, you’re enough. It just takes the right person to see it.
It’s my turn to sigh. So ibig ba sabihin hindi talaga siya ang tamang tao para sa akin kasi hindi niya makitakitang enough na ako? Paano ko ba to tatanggapin? Sa apat na araw na iniiwasan ko siya, lalong nagiging mahirap, eh. Namimiss ko siyang kasama, kausap. Kaya nga araw-araw nalang ata akong tulala.
BINABASA MO ANG
Snippets (One shots)
FanficA snippet is a bit, fragment, piece, particle. For most, a black flower symbolizes the negative. But for a few, it is cool, bold and elegant in all its minimalism.