Heto na naman ako, nakahiga sa aking kama't tinitingala ang mga tala; mga bituing nagpapaalala sa nagdaan nating mga alaala...
Bawat kislap at pagkinang nila'y pinanunumbalik ang mga sandali ng pait at saya ng ating pagsasama.
Nasaan ka na kaya? Kahit minsan ba'y naiisip mo rin kaya ako? Tinatanaw mo rin ba ang buwang minamasdan ko? Binibilang mo rin kaya ang mga mumunting diyamamteng tinitingnan ko? Humihiling ka rin ba sa mga bulalakaw na inihulog ng kalangitan?
Ewan? Hindi ko alam. Hindi ko sigurado. Sana...Sana kahit man lang sa pamamagitan nila'y makasama ulit kita.
Ang dami ko nang gustong i-kwento sa'yo, mahal ko. Marami na akong nais isumbong sa taong alam kong ipagtatanggol ako. Gusto ko nang marinig ang mga biro mo. Nais ko nang makatulog nang mahimbing habang kinakantahan mo ko. Gusto nang kumain ng fishball at kwek-kwek pagkatapos nating magsimba.
Gusto na kitang asarin at kapag napikon ka na ay agad naman kitang lalambingin. Nais ko nang matikman ang tamis ng mga halik mong tiyak na papawi sa pait na nararamdaman ko. Gusto ko nang matunaw ang mga luha ko sa init ng mga yakap mo.
Nasaan ka na ba? Gusto ko nang tumakbo papunta sa'yo!
Nasaan ka na ba? Nais ko nang wakasan ang pangungulila ng pag-ibig kong ito!
Nasaan ka na ba? Gusto ko nang ngumiti kasama ka!
Nasaan ka na ba? Nais ko nang paulit-ulit na sambiting minamahal kita!
Ngunit sa lahat ng isiping ito'y isa lang ang nais kong mabigyan ng kasagutan--nasaan? nasaan?
Nasaan ang bubong ng bahay ko?!
5e�eW�%