"Mahal, Ito na Ang Huli"

8 0 0
                                    

Nagsimula tayo sa 'pwede ba kitang makilala?'
Nagtapos sa 'paalam na.'
Tila ba ngayon ang kahapon, kahapon na dumudurog sa akin ngayon.

Kulang. Durog. Punit. Wasak.

Iyan ako noong umalis ka. Noong araw na sinabi mong suko ka na, tapos na tayong dalawa, ayaw mo na.

Masakit, mahal. Sobrang sakit!

Kaya naman gusto kong mangako sa aking sarili na ito na ang huli--pangako, huli na ito.

Ito na ang huling beses na titingnan ko ang facebook account mo, pangako.
Ito na ang huling pagkakataong susulyapan ko ang mga larawan nating dalawa, pangako.
Ito na ang huling araw na hahanapin ko ang mga ngiti mo, pangako.
Ito na ang huling pangungulila ko sa mga yakap at halik mo, pangako.
Ito na ang huling patak ng mga luhang pakakawalan ko, pangako.
Ito na ang huling sakit na ibabaon ko sa puso ko, pangako.

Mahal, hindi na. Hindi na kita gagawan ng tula.
Hindi na ako susulat ng kwento gamit ang pangalan mo.
Hindi ko na sasambitin ang Sinta, Irog, Gugma, Hon, Babe, Putang ina mo, Gago o ano mang tawag ko sa iyo.
Hindi na kita titingnan.
Hindi na kita hahanapin.
Hindi na ako kakapit.

Kasi, Mahal pagod na ako. Pagod na akong makipag-agawan para sa atensyon mo. Pagod na akong habulin ka. Pagod na akong unawain ka. Pagod na akong mahalin ka.

Kaya, Mahal ito na ang huli. Ito na ang huling araw na iibigin kita. Pangako, huli na ito. Huli na ito, pangako!

Memoirs here. Memoirs there. Memoirs Everywhere!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon