"Fairy Tale Nga Ba?"

3 0 0
                                    

Si Snow White mansanas lang ang kinagat nagka-love life na, samantalang ikaw fruit salad na ang kinain single pa rin.

Si Cinderella naman sapatos lang ang nahubad, nagka-forever din. Pero ikaw natanggal na ang lahat ng saplot sa katawan e hanggang ngayon nganga.

Bakit nga kaya? Saan ka nagkulang? May sobra ba? Ano ang mali? Alin ba ang tama?

Madalas iyan din ang mga tanong ko sa aking sarili kapag naaalala ko 'yong mga panahong umasa ako, ipinagpalit sa iba, pinaasa, isinabay sa iba, na-friendzone at iniwan. Ngunit sa lahat ng iyon ay marami akong natutunan.

Una, kapag nagmahal ka, kailangan mong maging matapang kagaya ni Ariel ng The Little Mermaid. Dapat kayanin mo ang lahat ng pagbabagong posibleng mangyari sa buhay mo. Dapat handa kang ilakad ang iyong mga paa sa mundong malayo sa nakasanayan mo dahil doon magsisimula ang paglalakbay mo kasama siya,.

Kung magmamahal ka, tularan mo si Belle na kinayang tanggapin ang lahat ng pangit sa taong pinili niyang ibigin. Dapat handa kang yakapin kung mayroon man siyang hindi magandang nakaraan, habit, o pisikal na kakulangan. Subalit nais kong linawin na hindi kasama roon ang bisyo at ugali. At this consequences, it is better to remain single than in a miserable relationship. Hayaan mong ang pagmamahal niya sa iyo ang magpabago ng halimaw na nagtatago sa kanyang pagkatao.

Huli, kapag magmamahal ka, gayahin mo si Sleeping beauty. Hintayin mo ang tamang tao at pagkakataon para sa iyo. Hindi ko sinasabing matulog ka ng mahabang panahon o magpaka-batugan ka ha, ang ibig kong sabihin ay hubugin mo ang iyong sarili. Do what you want and need to do, achieve your dreams, and make yourself whole para kapag dumating na siya, kumpleto ka na.

Huwag kang malulungkot kung hindi ikaw ang dream girl ng crush mo, balang araw kasi'y ikaw ang pinaka magandang reyalidad ng magiging prinsipe mo.

Huwag ka ring maiinggit sa mga may date tuwing weekend kasi sa kabilang dulo ng bahaghari ay may isang taong naghahanap sa'yo para maging kaparehas ng kanyang araw-araw.

Isa kang mahalagang diyamante, hindi lahat ng tao nagkakaroon ng pagkakataong matagpuan at makuha ang katulad mo.

Make yourself worth buying for! Never compare yourself to any princess in a book, because what they didn't realized was they were fell inlove with the same man, it's Prince Charming! Hahaha.

Live your own fairy tale. Create your own happy ending. 

Memoirs here. Memoirs there. Memoirs Everywhere!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon