Prologue

657 7 1
                                    

Prologue

Hindi lahat ng mukhang mabait, eh mabait na; kaya nga MUKHA lang eh, kasi sa loob-loob nyan may itinatago syang kakaibang ugali, ugaling sa tingin ng iba ay hindi dapat.

Mahirap maging mabait, kasi lagi ka nalang aabusuhin. Pero mas mahirap galitin ang taong sobrang mabait, dahil sila ang matinding magalit.

May tao naman na akala mo walang pakialam, pero ang totoo sya ang unang nag-aalala.

May mga lalaki dyan akala mo sila na yung perfect; Gwapo, Matalino, Mabait, Mayaman, Gentleman. Pero sayang lang eh, kasi iba ang type.Type nya ang type mo. T__T

Meron naman akala mo selfish, manhid, salbahi, walang modo, pero ang totoo kaya nyang mag-paraya para sa ikaliligaya ng iba, kahit pa na masaktan sya.

Akala mo isip bata, tatanga-tanga na walang ibang inisip kung hindi ano ang susunod na anime ang papanuorin, pero ang hindi alam ng lahat eh sya ang unang nakaka-pansin ng lahat.

Okay lang maging Torpe, ang mag-alangan na mag-tapat at manligaw, na matakot na baka hindi ka nya gusto, kasi ibig sabihin nyan mahal mo sya talaga, pero kapag ang Torpe nagka-lakas ng loob na mangligaw, umasa ka na sila yung seryoso talaga, na ikaw lang at wala ng iba, na okay lang kahit paghintayin mo sya ng matagal.

Pag-simple ba ang anyo, simple na agad mag-isip? Sya ang taong parang dagat. Sa unang tingin akala mo simple, mababaw, pero sa oras na subukan mong langyuyin; parang dagat ika'y lulunurin.

At higit sa lahat, may mga tao na sooooooooobrang pakialamero, lahat nalang pinapakialam, lahat gusto mangyari ayon sa gusto nya, paano kaya kung makatagpo sya ng katapat, na tulad din nya. Ano kaya ang mangyayari?

Kung magsa-sama ang mga ganitong klaseng tao? Ano kaya ang mangyayari sa mga mundo nila? At paano kung iisang tao ay nagta-taglay ng higit sa dalawang katangian na nasabi ko? Anong klaseng storya kaya ang mabubuo nila? Nya?

REINA'S CORNER: THIS STORY IS DEDICATED TO MY TWO HIGH SCHOOL FRIENDS, KUNG HINDI DAHIL SA KANILA; HINDI SIGURO AKO MAHIHILIG MAG-BASA AT HINDI KO MALALAMAN NA MAY KAKAYANAN PALA AKONG MAG-SULAT. KILALA NYO NA KUNG SINO KAYO, MABASA NYO LANG ANG PANGALAN NG CHARACTERS , ALAM NA! OO NGA PALA, KAYONG DALAWA WAG NYONG IPAG-KALAT NA AKO ANG AUTHOR NITO! PARA SAN PA ANG PSEUDONAME DIBA?

ITO PALA ANG FIRST STORY KO EVER! PERO HINDI ITO ANG FIRST KONG STORY SA WATTPAD. ISINULAT KO ITO NUNG AKO AY 3RD YEAR HIGH SCHOOL LAMANG, MGA TAONG 2007-2008 13 YEARS OLD LANG AKO NOON, AT SOBRANG INA-ABANGAN PA NAMIN NOON ANG SHOWING NG TWILIGHT. OY ALAM NA KUNG ANONG TAON NA AKO NGAYON.....

FUN FACTS ABOUT THIS STORY:

1. ANG UNANG TITLE NITO AY REISE CHIURA AND TOPIE 12. ANG PANGET DIBA? TOPIE MEANS TOP.

2.ISINULAT KO YUNG ORIGINAL NITO SA NOTEBOOK. YUNG NOTEBOOK? AYUN! NILAPA NG ASO NAMIN, NA LINGAT LANG AKO SANDALI. TSK LANG! KAYA AYUN SINULAT KO NANAMAN. YUNG BAGONG NOTEBOOK? MALAY KO KUNG NASAAN...HINIRAM NG KUNG SINO, NAKALIMUTAN KO NA KUNG SINO.

3. YUNG MGA PANGALAN DITO KUNG SAAN-SAAN KO LANG NAPULOT YAN, YUNG IBA PANGALAN NG CLASSMATES KO PERO SYEMPRE KINONVERT KO SYA SA JAPANESE, OR I MADE IT SOUND LIKE JAPANESE.

4. OBVIOUS NAMAN NA ADDICT AKO TALAGA SA ANIME NOON, WELL HANGGANG NGAYON PA DIN NAMAN PERO MAS LAMANG NA YUNG WATTPAD...AYIEE..

5. AT TULAD NGA NG SINABI KO SA #2 DAHIL NAWALA YUNG NOTEBOOK, YUNG MGA APELYIDO NG IBANG CHARACTERS NAKALIMUTAN KO NA, KAYA BININYAGAN KO SILA ULIT PARA MAY BAGO SILANG SURNAME...HEHEHE...

Mahal kita, Mahal Mo Siya, Mahal Nya ko(MKMMSMNK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon