Chapter 14

61 2 0
                                    

Chapter 14

Chapter 14

"What the hell is going on here?!" Galit na galit na sigaw ni Ms. Bunyi

Hanggang ngayon naalala ko padin yung reaction ni Ms.Bunyi nung makita namin kung ano ang nangyayari doon sa loob ng tent.

Dalawang araw na ang nakalipas since then, now we are on the third day of the School Fest, at tulad nga ng sinabi ko dati the 3rd and the 4th day is for the outsiders.

Sigh. Ito talaga ang pinaka-ayaw ko na araw sa lahat! Palibhasa kasi ang dami talagang tao! Ang masama pa puro mga estudyante din.

Nagtataka nga ako kung paano nakakapunta itong mga ito sa school namin eh school day kaya at may pasok din sila!

"Kyaa! Ang ganda talaga dito sa St. Camillus!"

"Oo nga eh! Ang dami pang mga gwapo!"

Puro ganyan talaga ang naririnig mula kanina pang-umaga and to think na lunch time na! Gah! Pagod na ko!

Bakit ba kasi kailangan kong inspeksyunin ang bawat class events nakakainis lang!

"Wengya! Ang hirap naman nito!" Sabi ng isang lalaki sa di kalayuan at base sa tono ng boses nya eh inis na inis na talaga sya.

"May daya ata itong laro nyo eh! Kanina pa kami dito!" Sabi pa nang isa.

Oh-uh! I smell trouble! Kaya bago pa man magka-gulo agad kong nilapitan yung booth kung saan ko narinig yung mga boses na yun.

O my gulay! Mga...mga mukhang basag gulero pa ata ang mga estudyante na ito eh! Huhu...at ang matindi pa eh mukhang susuntukin ba nung isa yung nagbabantay dun sa booth! Paano ba naman kasi hawak-hawak na nya yung collar nung bantay!

Kaya kahit ayaw kong makialam ay mas lumapit pa ako sa kanila. No choice. Student council president ako. Part of my job.

"Excuse me? What's going on here?" Sabi ko in my very angel like persona with matching angel smile.

Yung mga tao naman napa tingin saakin kahit yung mga basagulero na star struck din. Well, atleast marunong silang maka-appreciate ng maganda!

Wala pa ding sumasagot sa kanila. Mag-sasalita na sana ako ulit ng mapansin ko na medyo binitiwan na nung lalaki yung bantay.

"I repeat, what's going here?" Tanong ko ulit.

"P-president!" Nauutal na sabi nung bantay, kaya naman napatingin ako sa gawi nya. First year. Kaya pala.

"Nasaan yung ibang classmates mo?" Tanong ko ulit in a friendly tone. Pero hindi naka-sagot yung bata.

"<smile> What's your name?" Tanong ko ulit, this time ino-obserbahan ko na sya. Hmm...medyo bansot sya sa edad nya at puno din ng pimples ang mukha nya. No wonder kaya sya kinakayan-kayahan.

"R-Roberto po, Ms. President"

"Nice to meet you Roberto tsaka Ate Reise nalang, ano ba ang nangyayari dito?"

Nakita ko naman na medyo nawala na yung kaba at takot nung bata sa akin, buti naman! Sasagot pa sya sana kaso na unahan na sya nung isa sa mga basagulero.

"Oy! Hindi mo manlang ba kami tatanungin?!" Sabi nung isa, kaya naman sa kanila ko naman tinuon ang atensyon ko. Mabilis ko silang pinasadahan ng tingin.

Confirmed! 100% Basagulero nga!

Yung nag-sabi na kung hindi ko manlang daw ba sila tatanungin ay may piercing sa ilong at may mohawk hair style (yung parang sa manok)

Mahal kita, Mahal Mo Siya, Mahal Nya ko(MKMMSMNK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon