Chapter 7 Beach's Bitch

60 4 0
                                    

Chapter 7: Beach’s Bitch

“Ma’am, Sirs please fastened your seatbelts. We are about to land to Arima’s Private Island” sabi sa amin ng flight attendant.

After hours of flying nakarating na din kami sa wakas!

Sumama sila Rujemz (obviously), si Yuri (mas-lalong obvious), si Fuji (wala syang choice, pinsan eh), si Roku (anak daw sya), si Lanera (andito daw yung parents nya), si Vonom (free food daw), si Honey (babantayan daw nya si Vonom),si Hayer (wala lang), si Seigie (Masaya daw) at syempre ako.

Pagkababa namin ng eroplano yung mga first timers na maka-punta dito sa Villa nila Rachi, ayun shock kung shock lang.

Sino ba naman ang hindi magugulat, kahit kami din ni Rujemz noon na gulat din nung unang punta namin dito ng mga bata pa kami.

Ang sabi kasi ng Bruha villa lang daw, so ang ine-expect namin eh, well, malawak na lupain, malaking mansyon et cetera et cetera. Pero ang nakalimutan naming i-take consider eh ang fact na sobrang yaman ng mga Arima, na ang simpleng villa para sa kanya ay isang isla, mali pala. Ang  Arima’s Private island ay binubuo ng TATLONG ISLA.

Gusto ko sanang isa-isahin pa ang ditalye pero andito na ang kotse na maghahatid sa amin.

“Ang yaman pala talaga nila Rachi” sabi ni Vonom na wala sa sarili habang tinitingnan ang loob ng limo nila Rachi.

Tsk tsk

Kung alam mo lang, wala pa sa ¼ ng yaman nila Rachi ito.

“Gosh! The way you talk it’s as if you’re not rich yourself!” mataray na sabi ni Honey pero pati sya obvious na shock pa din hanggang ngayon sa nakikita nya.

<Sigh> Kahit sino naman kasi ang mapunta dito for the first time maguglat talaga, ano nalang kaya ang reactions nila if makita nila yung main house?

“Wow! Mame, is soooo richever can not be reach to the highest levelling in the skyline” excited na sabi ni Roku ng malapit na kami sa Beach House.

As what you will expect, sobrang ganda ng Beach House nila, ni hindi nga mukhang bahay bakasyunan lang, yung iba siguro ito na yung main house nila. Anyway, mayaman din naman ako,may beach house din kami malapit dito.

Pagka-baba namin ng Limo agad kaming sinalubong na madaming maids na nakahilera na. Isa-isa nilang kinuha ang mga bagahe namin. Yung iba binati kami, ako, si Rujemz, at syempre si Fuji, kilala na kasi kami dito naka-ilang punta na kami.

“Asan po si Rachi?” tanong ko sa Head Butler, medyo matanda na ito, palibhasa panahon pa ng lolo ni Rachi nagta-trabaho na ito sa pamilya Arima.

“Nasa kwarto po nya ang Young Lady.” Sagot sa akin ng Head Butler

Isa-isang may mga maid na lumapit bawat isa sa amin para ihatid kami sa kanya-kanyang kwarto namin.

Yung mga boys malamang sa West wing ng mansyo ipa-stay, ayaw kasi ng lolo ni Rachi ng…ehem…milagro, except nga lang kay Fuji, syempre, apo din eh.

Ako, si Rujemz at si Fuji na sa East wing hinatid. Palibhasa  since childhood present na kami ni Rujemz sa buhay ni Rachi kaya may sariling room na din kami sa bawat bahay nila, and take note, East wing is for family use only.

Yung ibang girls naman for sure sa North wing mag-stay, dun kasi yung for ‘female visitors’ area nila.

Nasa East Wing na kami, infairnes medyo malayo yung nilakad namin. Binigay ko na dun sa maid na naka-assign sa akin yung hand carry bag ko, ganun din ang ginawa ni Rujemz, yung mga maleta kasi namin siguradong nasa rooms na namin.

Mahal kita, Mahal Mo Siya, Mahal Nya ko(MKMMSMNK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon