Chapter 3

130 4 0
                                    

Chapter 3

Reina’s Corner:

Written Date: October 19, 2013, Saturday

I just don’t know when I will be able to post this. Huhuhu. T_____T

So without further adieu here’s Chapter 3!

Today’s Friday! And ano pa ba ang sina-sabi pag-Friday?

THANK GOD IT’S FRIDAY!

Pagka-tapos ng napaka-habang pagtatalo ay sa wakas naka-pili din kami ng theme para sa booth namin. Hay, naku hanggang ngayon hindi ko makalimutan kung gaano ka-epic ang ending ng pagtatalo NILA.

Tama, sila, sila lang talaga ang nag-usap usap nun, ako? Busy akong i-narrate ang mga pinaggaga-gawa nila. Hmp! Anyway 3 days na ang naka-lipas ng makapa-decide sila kung anong theme ba ang gusto nila, at hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over, kaya nga till now yun pa rin ang ini-isip ko.

Gusto nyo ba malaman kung ano at SINO ang namili ng booth namin????

FLASHBACK……..

Ito busy pa din silang mag-talo kung ano bang booth ang gusto nila, so far bukod sa Maid Café, Coffee Shop, Host Club, at Cosplay Resto ay nasali din ang:

 Play (Rome and Juliet)

 Art Exhibit

Photo booth

Jail booth

Marriage booth

At kung anu-ano pa, pero in fairness  naman dito sa mga classmates ko walang nag-suggest ng Horror House.

Bakit kaya?

Pero till now wala pa din silang ma-pili na booth para sa amin. Hay naku nalang. Ang masaklap pa eh, nagkaka-gulo na ang boys at ang girls, dahil for some reason ay naka-pili na ng booth ang dalawang grupo.

“Well, bakit hindi nalang kaya tayo mag-botohan?”sabi ko sa kanila at syempre may karugtong pa yon na as usual ay hindi ko nanaman na sabi outloud: nang matapos na ang bangayan nyo!

“Well, we totally agree! See? Talo na kayo boys! It’s so obvious na us girls will win cause mas madami kami!” Lanera.

“Yeah, that’s right, so boys just accept defeat and it’s been decided that we are having ART EXHIBIT and PHOTO BOOTH!” Trixie

“Hah? Anong it’s been decided ang sinasabi nyo dyan? Hah? Hah? Kayo lang ba ang students dito?” bulyaw ni Vonom. Ito talagang si Vonom sa lahat ng Playboy ito lang mahilig makipag-away sa girls!

“Tsaka mas maganda nga kasi kung magpa-rent nalang tayo ng gadgets natin, or Street foods nalang.” si Seigie.

“Ang panget- panget kasi ng idea nyo girls, palitan nyo nalang.” Light. Ay grabe ang harsh naman nito, pero okay lang, gwapo pa din naman sya.

“Well, it’s much better kesa sa naisip nyo na Street foods! Corny kaya!” Hayer

Nagtitigan lang sila ng masama, walang kumukurap, so ganun yon? Kung sino kumurap talo?

“Yuri, tingin mo?” sabi ni Fuji.  Halos mapa-lundag kaming lahat ng marinig namin nag-salita itong si Fuji.

Okay, eto sure ako, never ko pang nabanggit si Fuji kaya ito: Ang lalaking nag-salita ay si Fuji Arima, Top 6 ka-rank nya si Roku, pinsan sya ni Rachi. Minsan lang yan mag-salita, sya ang masasabi kong Bestfriend nitong mga Boys, as in lahat sila close dyan. Kung gaano iniiwasan si Rachi ganun naman kahabulin ng mga tao yang si Fuji. Paano ba naman kasi ang bait-bait. Parang ako lang! haha.

Mahal kita, Mahal Mo Siya, Mahal Nya ko(MKMMSMNK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon