Chapter 6: The Game

59 4 0
                                    

Chapter 6

Pirma dito, pirma doon.

Sita dito, sita doon.

Ngiti sa kanan, kaliwa, harap, likod, taas, baba.

Urgh! Nakaka-inis na!

Ilang araw ng ganito ang buhay ko, masyado akong busy! Lagi akong naka-kulong  dito sa Student Council Office! Ang dami-daming dapat gawin, especially para sa upcoming School fest, and to tell the truth ang sarap ng mag-give up!

Pero alam nyo yung pinaka-nakakainis? Ilang araw ko ng hindi nakikita si Light, ang huling kita ko sa kanya eh nung nag-mall kami, ang malala pa hindi ko pa sya na replyan kasi nga bigla akong nahimatay sa kilig! So syempre kinabukasan agad-agad ko syang hinanap, but to my shock,  nalaman ko nalang na wala sya….wala sya and he is together with Rachi.

Siya at si Rachi

Urgh! So Frustrating! Ang mas nakakainis pa eh, ang unang pumasok sa utak ko ng marinig ko yun eh, kung gaano ka-traydor si Rachi at inagaw nya sa akin si Light! That feeling is so disgusting! I am disgusted with myself, especially after I heard the reason why they are gone!

Well, hindi naman sila nagtanan or what, sadyang no choice lang sila kundi mag-sama dahil may competition silang dalawa.

Quizbee

Dapat ako yun eh! Ako dapat ang nasa tabi ni Light! Ako yung ka-partner nya! Ang kaso hindi pwede kasi busy ako sa madaming bagay, to hell with that! Kaya naman si Rachi nalang, ayaw pa nga dapat nya kasi kadiri daw kasama si Light, pero napilit sya, I guess may kinalaman ang parents nya.

<Knock><Knock> Ang sabi ng door

“Come in” I said, as I grab the nearest papers and acted as if I am reading them. Yeah, acted, kanina pa ako naka-tanga lang dito sa office ko at iniisip kung ano ang ginagawa ngayon ni Light, kung may lumalandi ba sa kanya o kung patay na sya dahil binuhusan na sya ng Zonrox ni Rachi.

“Reise, eto na pala yung ilang mga documents regarding sa budget ng mga scholars.” Sabi ni Seigie at inilapag ang mga papeles sa table ko.

 Napa-tingin naman ako sa kanya ng marinig ko syang nagpipigil ng tawa. Bakit?

“Take a break” he said smiling broadly at me.

“No, its okay, kaya ko pa” sabi ko, urgh! I wanted it to sound like bitchy pero it comes out sweet, sophisticated and very Reise-ish.  Urgh! Itaga nyo sa diamond, one day magiging bitchy din ako!

“hahahha!” I look at him, ang walang-hiya kunti nalang at mamatay na sa kakatawa sa akin. Mukha namang nakaramdam na ang loko at medyo tumigil na ito sa pag-tawa pero hindi parin na wala ang nakaka-inis nitong ngiti sa mukha nya.

“Bakit ka tumatawa?” I honestly ask him.

But instead of answering me with words he just….err…did something gross…err he protruded his lips, pointing it at the paper in my hands. In tagalog, ngumuso sya at ginamit ang kanyang lips para ituro ang papel na hawak ko. So I follow his line of sight and look directly at the paper I’m currently holding.

And when I realized what was wrong, me too can’t help myself from laughing so hard. Gosh! Sa pagmamadali kong kunin ang props ko, hindi ko na napansin na upside-down na pala ito. Kaya pala.

I look sheepishly at him and give him a please-keep-this a-secret- look.

And with that, the both of us continue to laugh our lungs out!

“satin lang to ha.” Sabi ko, hindi ko alam pero iba ang feeling kasama si Seigie, hindi yung feeling na I think I am falling- in love kind of thing, yung kanya parang….parang…friends…yung feeling na may friend ka na andyan, yung ganun?

Mahal kita, Mahal Mo Siya, Mahal Nya ko(MKMMSMNK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon