PROLOGUE

40.9K 871 37
                                    

PROLOGUE

160 old era in Veirsaleiska Kingdom

"Santana, hindi ka pa ba tapos sa ginagawa mo?"

Tumaas na ang kilay ko dahil hanggang ngayon ay pilit niya pa rin pinagsasama ang sampung uri ng bulaklak sa iisang vase.

"Manahimik ka nga muna Xenna! Hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko!" inis na tugon niya sakin.

"Bakit kasi pinagsasama mo ang mga hindi naman dapat pagsamahin. At isa pa, wala namang okasyon. Para kanino ang mga bulaklak na 'yan?"

Umirap siya, "Para sa akin! Okay na? Umalis ka na nga rito sa silid ko!"

Mahina akong natawa dahil sa reaksyon niya. Alam kong nagsisinungaling siya. Hindi para sa kanya ang mga bulaklak na 'yon. Hindi siya gagawa ng nakakatamad na bagay dahil lang gusto niya.

"Nandito ka pala!" masiglang bati ko ng makita ang prinsipe ng kabilang kaharian. Si Grantson.

"Ipinapatawag na tayo ng iyong Inang Reyna." nilahad niya ang kanyang kamay.

Nakangiti ko itong tinanggap. Habang naglalakad kami patungo sa throne room ay nasa isip ko pa rin kung para kanino ang bulaklak na ginawa ni Santana.

"Xenna, alam mo ba kung nasaan si Princess Santana?" tanong ni Ina sa akin.

"Iniwan ko po siya sa kanyang silid. Ipagpaumanhin niyo po, mahal na reyna." yumuko ako.

Umiling na lamang siya at sinenyasahan ang isang oracle. May sinabi siya rito na agad na sinunod ng oracle.

"Sinabihan ko na siya na kailangan niyang dumalo sa pagpupulong na ito. Nalalapit na ang kasal niyo ni Prince Grantson, kailangan ay narito si Princess Santana upang magbigay ng basbas. Bilang siya ang kinoronahang prinsesa."

Napahawak si Ina sa kanyang ulo. Bakit ba pinapatagal ni Santana ang pagbibigay niya ng basbas sa amin? Nakalimutan kong itanong 'yon sa kanya kanina.

"Mahal na Reyna." lumuhod ang oracle, "Wala po ang Prinsesa sa kanyang silid."

Tumingin ang Ina sa akin. "Nandoon lamang siya kanina, Ina."

"Dasťè digè, Santana." inis na sabi niya bago muling inutusan ang oracle. (Damn you, Santana)

Ako na ngayon ang kinakabahan para sa kapatid ko. Kanina ay may hinuha na ako kung para kanino ang ginagawa niya. Sana ay mali na lamang ako.

Nagsimula na kanyang ritwal ang oracle. Sa bawat pag galaw niya ng kanyang gamit ay parang pinipitik nito ang ugat sa aking utak.

"Nararamdaman ko ang kaba mo, Xenna. May alam ka ba sa mga ginagawa ni Princess Santana?" halos mahulog ako sa aking inuupuan ng bigla akong tanungin ng reyna.

"Wala po, mahal na reyna."

Pumikit ako ng mariin para maikalma ang sarili. Hinawakan na rin ni Grantson ang kanang kamay ko.

"It's okay." bulong niya.

Muli akong dumilat ngunit nasa maling oras. Sa caldron ng oracle ay lumabas ang imahe ni Santana kasama ang lalaking iniibig niya. Napasapo ako sa aking bibig nang nataon pang lumapat ang kanilang labi sa isa't isa.

Royals Of Veirsaleiska Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon