BARKADA TRIP 1

111 4 0
                                    

BARKADA 101:
Yung mahilig magsabe ng "MALAPIT NAKO" yun pala, Malapit na sa banyo. Maliligo pa lng! HAHAHAHA!

**

A/N: This story is dedicated to team martyr \m/

**

[Ardnasyle's POV]

"Guys! Sa tambayan mamaya ha? Pasok nako." Sabe ko habang kumakaway sa kanila. May pasok na kase ako habang sila kanya kanya ng alis papunta sa mga girlfriends nila.

"Sige bessy. Kitakits na lng mamaya!!" Pasigaw na sabe naman ng bestfriend ko na si lynne. grabe talaga yon' ang lakas ng boses.

Habang naglalakad ako natatanaw ko padin sila mula dito sa building na pinapasukan ko. Hndi pa pala umaalis yung iba, nakakatuwa silang panuorin habang nagtatawanan. Habang nagdadaydream ako hindi ko napansin na dumating na pala yung prof namin.

"Hey. Si sir andito na." Sabe nung girl na kaklase ko ata.

Pumasok nako sa loob para makaupo sa likuran. Pero pag tingin ko sa pwesto may nakaupo na, yung nasa dulong harapan na lng yung hindi pa occupied seat kaya no choice. kainis naman! Dito pako sa harapan -_- reklamo ko sa isip ko, pag nasa harap ka kase hindi pwedeng matulog. Inaantok pa naman ako.

"Okay Class, introduce yourself." Sabe ni sir ano. Di pa nagpapakilala. "But.., before that let me introduce myself first. I'm Chester Lazaro and I'm your history instructor for this sem." Blah blah blah. Inaantok talaga ko. Wala ako sa mood makinig kahit gwapo sya.

"Okay let's start with you miss?" Sabay turo saken ni Sir Chester pero hindi ko napansin kasi busy ako sa pagdadaydream. "Miss? With a black shirt." Ulit ni sir na ikinagulat ko. Kaya napatayo ako bigla habang nakatingin sakin ang mga blockmates ko.

"I-I'm sorry sir." Habang nakayuko. Nakakahiya! Ako na pala. Eh kasi naman syle, puro pagtulog nasa isip mo! Ayan tuloy, napahiya ka.. sabe ko sa sarili ko then nagstart nako magpakilala.

"Hi. I'm Ardnasyle Williams, 16yrsold, guitarist and a bibliophile. So yea, nice to meet you guys!" Sabe ko habang nakangiti na pilit. Nahihiya padin ako sa kanila no'.

"Next?"

"Uhm, Khayieh Nicolei Dela Cruz. 16, simpleng cute, peace be with you! Charot." Sabe ni key habang tumatawa. At natawa talga ako. Mukhang masaya to kasama. Well..

"Mikko Vince Oliver. 17. Drummer." Masungit na sabe nung nasa kabilang dulo. Napatingin tuloy ako kasi naman eh, pogi na sana masungit lang! Napatingin naman sya sakin sabay smirk. Wow just wow!

After ng history class namin, lumabas nako. Inaantok talaga ko kaya umalis muna ako at pupunta sa quadrangle ng campus. Hindi ko na talaga natandaan pangalan nila kasi hndi naman ako nakinig. Si Mikko at key lng natandaan ko. Ang husay ko diba? Wala naman akong pake. Bigla naman may tumawag sakin,

"Asuuuuul! Wait lng. "

"Hm? Ako ba yung tinatawag mo?"

"Oo.San ka pupunta?"

"Sa Quadrangle lng. Why? And one more thing, it's asyle not asul."

"Sabay na tayo. Since ikaw lng naman kilala ko dto."

"Okay. So let's go?" Well, pumayag nako dahil antok na talaga ako. Cute naman sya eh, tsaka ang lalim ng dimples nya kaya napapayag ako. Sguro it's her charm.

Naglakad na kame papunta sa gilid ng quadrangle. Infairness ang fresh ng air tapos green na green pa ng paligid at puro puno. Sa ilalim ng puno may mga upuan at may mga bulaklak sa gilid. Marami rin tao sa paligid, tulad nung mga nagpapractice ng cheerdance. Ang ganda dito! Nakakarelax naman dito sa campus. Napatingin naman ako bigla sa kasama ko.

"Ang ganda pala dito no?" Tanong nya. Gusto ko magtaray pero wala ko sa mood. Tsaka mabait naman ako e. :D

"Indeed. Ang sarap magrelax." Sabe ko na lng. At Umupo sa ilalim ng puno. Sabay pumikit ako dahil balak ko talagang matulog dto. Hndi ko na napansin kung anong ginawa ni key.

"Asyyyyyyle!! Ilag may bolaaa!!" May sumigaw sa panaginip ko at- -

BOOOOGSHHH!!

Tunog ng bola na tumama sa ulo ko. :3 akala ko sa panaginip ko yun! Naalog ata utak ko don ah! Humanda talaga saken kung sino man ang walang hiya na naglalaro non. Umuusok na ata ilong ko hahahaha. Kaya dinilat ko na ang mata ko para sugudin yung kupal na yon.

"Asyle okay ka lng ba?" Tanong nya na nag aalala. Wow ha! Tinanong pako kung okay lng ako. Mukha ba kong okay? -_- halos matanggal na nga turnilyo sa utak ko!

"NO. San galing yon? Humanda sila saken." Kalmado kong sabe. OO! Kalma pa yon. Ayoko pa naman sa lahat yung nabibitin tulog ko.

"Ah. Eh.. ano doon sa mga naglalaro ng volleyball."Sabe ni key. Sabay turo nya sa mga lalaking nglalaro ng valleyball. So, sila pala? Aba't malayo sila samin ha. Paanong nakarating yung bola dto? Tsk.

"Tsk. Samahan moko! Ang layo na nga natin tapos naabot pako ng bola? Nice." Sabay smirk ko. Naglakad na kame palapit sa nagvavalleyball. At napahinto sila nung pagabot ko ng bola.

"Hey. Is this your ball?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Kausap ko yung lalaki na nakablue.

Infainess may itsura sya. Medyo matangkad siguro mga 5'11 yung height nya tapos firm din yung body nya na may muscle na bumagay naman sa katawan nya. Maputi din sya, na medyo masungit. Ata? Hoy asyle! Andito ka para magalit diba. Inistorbo nila ang tulog mo. Wag kang magpacute dyan! Sabe ng utak ko. Ay wow! Kausap ko sarili ko. Bumalik din naman ako sa katinuan.

"Yes. Thankyou miss." Sabe nya sabay ngiti saken. Teka teka teka. OH MY GAHDD!! Air pls? Ang hawt nya! Aba't kita mo to' kanina galit. Ngumiti lang yung guy kinilig na. Sabe nanaman ng epal na isip ko! Bitter talaga.

"So, kayo yung nagbato nyan saken? Ang layo nyo hah, tapos saken pa tumama! Nanadya ba kayo?" Pagtataray ko. Kahit gwapo kapa, wala kpa ring karapatan para istorbohin ang pagtulog ko! kala ata neto madadaan ako sa ngiti nya.

"I'm sorry miss. Di ko naman sinadya na tamaan ka." Sabe ng masungit na to. Ako pa sinungitan ha. Humanda ka saken.

"Really?" Sarkastiko kong sabe. Tapos binato ko sa malayo yung bola sabay talikod. Akmang hahakbang nako ng bigla nyang hinigit yung braso ko. Kaya napaharap ako sa kanya.

Pagtingin ko sa mata nya, parang naestatwa ako..

**
A/N:

Guys pls click the ★ button.
If you like my story. Thankyouu! ♥

ENJOY READING :)))

BARKADA TRIP (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon