Chapter 9.

125 21 1
                                    

Akiya's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Vince kanina pa ako pabalik-balik ng lakad Di talaga ako mapakali ..

Sana ok lang si Vince..

Napatigil ako nung lumabas na yung doctor .

"Doc ka-kamusta na po si Vince?"

"I'm sorry Ms. Clary we did our best----

" Anong I'm sorry doc? Asan siya ! Kailangan ko siyang makita!!" Umiiyak na sambit ko.. No! Hindi PA patay si Vince please...No!

Agad kong tinabig ang doctor at pumasok sa loob nakita kong tatakluban na siya ng kumot kaya dali-dali kong pinigilan...

"Vince! Gumising ka! Vince! Hindi------

" Time of death 9:38" napalingon naman ako sa doctor na nagsabi nun.

Ang tangi ko lang nagawa at umiiyak habang yakap-yakap si Vince... Bakit kailangan pang humantong sa ganito ? Ok lang naman sakin kung naghiwalay nalang kami kesa mawala siya..

----------------

Blake's POV

Kahit inaantok na ako pinilit  kong gisingin ang diwa ko nag-alala na ako para Kay Vince at Clary.

Narinig ko may nagbukas ng pinto kaya agad akong nagsalita.

"Sinong nandyan? "

"Nurse Sheila po Ito Mr. Cruz may masamang balita po ako sa inyo."

"Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan tanong ko.

"Wala na po si Mr. Reyes kani-kanila lang."

Nababitawan ko ang basong hawak ko at nabasag Ito napahiyaw naman ang nurse.

"Hindi..."

"Andre!!! " boses ni Clary yun.

Nakaramdam ako na may yumakap sakin kaya hinawakan ko siya it's Clary at umiiyak siya.

"Wala na siya Andre...wala na si Vince." Sabi niya na humahulgol pa rin.

"Shh..alam ko Clary. Kung nasaan man si Vince ngayon sigurado akong nasa mabuting kalagayan siyadahil mabait si Vince. Tahan na." Pag-alo ko kay Clary.

"Mam excuse me lang po kailangan na pong dalhin si Mr. Cruz sa operating room." Sabi ata nung nurse.

"Bakit? Bakit ako dadalhin dun?" Tanong ko.

"Kailangan na po naming magsagawa nung eye transplant surgery kay Mr. Cruz at Mr. Reyes." -Nurse.

"Agad-agad?" -Clary

"Opo habang presko pa po ang bangkay ni Mr. Reyes."

"Kinakabahan ako." Sabi ko.

"Andre ...tandaan mo nandito lang ako hihintayin kita Di kita iiwan..kaya wag kang matakot.. At wag mo rin akong iwan." -Clary.

Hinawakan ko ang mukha nya at tumango ako.

Maya-maya pa ay Naramdaman kong tinatakbo na nila ako sa operating room at tinurukan ng pampatulog.

MY THROWBACK LOVERS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon