"Bakit mo nagawa sa'kin 'to? Sinayang mo lang ang dalawang taon na relasyon natin! Bat ka nagpatukso sa haliparot na babaeng yun ha? Sabihin mo sakin Vince! Mas masarap ba sya? Kulang pa ba pagmamahal ko kaya tumikim ka ng iba? Langya! Binuntis mo pa!" hysterical na bulyaw ni Clary sa isang coffee shop wala siyang pakialam na pinagtitinginan na sya.
"I'm sorry Clary, hindi ko sinasadya—" tugon ni Vince.
"Anong hindi sinasadya? Ano yun? Nakatulog ka tapos paggising mo hubo't hubad kanang nakatabi kay Maria?" Humagulgol na saad ni Clary.
"Clary kalimutan nalang natin yun, 'wag kang mag alala hindi kita iiwan."
Tumigil sa pag iyak si Clary "anong ibig mong sabihin?"
"Magsimula tayong muli pinapangako ko sayong hindi na ko magloloko, ikaw ang mahal ko hindi si Maria." Malambing saad ni Vince.
Lumiwanag ang mukha ni Clary "t-talaga?"
Tumango naman si Vince.
Ang nakangiting mukha ni Clary napalitan ng poot kumuha siya ng basong may lamang tubig at ibinuhos ito kay Vince.
"Eh gago ka pala eh! Pagkatapos mong anakan 'di mo pananagutan! babae ako Vince! Mahirap magbuntis! Kung mahal mo ko hindi mo magagawang tumuka sa iba gago!" Tumayo si Clary hinablot yung manggas ng damit ng waiter saka sinabihang "Yung bill ibigay mo sa kanya siya lahat magbabayad!" At umalis na sa resto hindi na nya pinansin ang pagtawag ni Vince at dali-dali syang lumabas ng coffee shop.
—
Akiya
Bwesit na Vince yun! Paano niya nagawa sa'kin yun? Minahal ko naman siya ng todo bakit kulang pa?
I dialled Blake's number.
Nakatatlong ring saka pa niya ito sinagot.
"Hey!"
"Hey mo mukha mo! Nasa'n ka ba!?"
"Hey, chill sweety, masisira ang lovely ears ko sa kakasigaw mo."
"Isa! Nasaan ka sabi?"
Aba! tinawanan lang ako ng gago "Sa library naghahanap ng chix."
Pinatay ko na ang tawag at agad na pumara ng taxi.
I smirk at the thought he's my bestfriend and my past boyfriend.
Ang gagong unang nagloko sa'kin, I don't even know why we ended up being bestfriend despite from our past, basta kumportable ako sa kanya.I arrived at school at ilang minuto rin ang nilalakarin ko bago ako makarating sa library.
Nakita kong papalabas na si Blake ng library sabay kindat dun sa isang babae na kakalabas rin, malandi talaga 'to pati sa library 'di pinalampas.
"Blake Andre!" sigaw ko sa kanya habang naglalakad.
Tumingin naman siya sa'kin at kumaway. Patakbong tumungo siya sa direksyon ko't walang atubiling umakbay, as usual pinagtitinginan na naman kami kilalang heartthrob kasi ang gagong 'to.
"Omg! Sana sila nalang!" rinig kong bulong ng isang babae sa kanyang kasama habang naglalakad kami. Napailing nalang ako.
"Duh! Sila nga noon then she dumped him and now si Vince, may nakakita sa kanila kanina sa Coffee shop nag-aaway then balita she dumped Vince, akala mo sinong maganda napaka-bitch pa!" sabat naman nung isa.
Akmang susugurin sila ni Blake pero pinigilan ko. "Let them be Andre, dogs bark when they didn't know the person." Nilakasan ko talaga ang pagbigkas nun para marinig nila kilala akong mabait pero pag ako inapi magkitakita tayo sa impyerno.
BINABASA MO ANG
MY THROWBACK LOVERS ✔
Historia CortaVULNERIA SERIES: 3 Akiya Clary Vulneria isa sa pinakasikat na studyante sa Converse's University. Mabait, masipag, matalino, at higit sa lahat maganda at mayaman. Pero, isa palang... Hopeless Romantic? Abangan kung sino ang mananalo sa kumpetesyon...