Maraming Pilipino ang nagtatanong kung may FOREVER nga ba?
Dahil kay Enrique at Liza, marami ang umaasa
Na sana magkaroon ng katuparan ang kanilang pinakita
Para naman hindi kawawa ang mga bata
Na produkto ng dalawang magkasintahang nadisgrasya
Hindi sa kalsada, kundi sa kama.
Kung FOREVER lang ang hahanapin
Mapalad ang Pilipino at meron sila nito
Sa bansang kanilang sinilangan
At sa lupang kanilang tinitirhan
Na di kalaunan
Kanilang magiging libingan
FOREVER ba ang tanong nyo?
Sa pulitika meron nito
Forever na bangayan ng mga senado
Forever na pagtulog ng mga kongresista sa sesyon
At forever na korupsyon na walang solusyon
Ilang buwan na lang mula ngayon bago ang eleksyon
Mga probinsyano ay nagtatanong
Bakit laganap ang road construction?
Sa mga distrito ng mga probinsya
Na pinamamahalaan ng mga kongresista
Mga Pilipino ay nagtataka
Bakit hindi pa ito ginawa
Nung unang taon ng pag-upo nila
At ngayon pa talagang malapit na ang halalan
Magiging talamak ang paggawa nila ng kanilang proyekto
Mga mamamayan tuloy nalilito
Ano nga ba talaga ang misyon ninyo
Mapaunlad ang kalsada?
Oh para meron lang kayong maibulsa?
Para may pondo kayo sa pangangampanya
Huwag kayong mag-alala
Pilipino ay hindi manhid
Basta may isandaan sa balota na nakaipit
All we can do is "keep quiet."
Mga tao na may balak kumandidato sa pagkapangulo
Sa telebisyon ay maagang nagpapabango
May nagpapakita na ang mga tao ay gusto silang tumakbo
Dahil syempre yan ang mabisang panloloko
Eh sino naman ang hindi ma-eenganyo
Sa mga mabubulaklaking katagang binibitawan ninyo
At sa ganda ng plataporma na pinapangako nyo
Na di kalaunan
Makahakot lang ng kabang inaasam
Inyo nang kinakalimutan
Ang kapakanan ng mamamayan
Ano nga ba ang inyong tunay na hangarin?
Makatulong ba sa mga tao ng Pilipins?
O patikman lang sila ng ginhawang katiting?
Na hanggang ngayon
Ang taumbayan na umaasa pa rin
Dahil sa Pilipins ang korupsyon ay FOREVER
Mga Pilipino ay POOR-ever
Sapat ba ang disiplin na sinasabi ni Ping?
Upang kaunlaran ay maranasan din?
O kailangan pa ang kaibuturan ng dagat ay sisirin
Para lang matunghayan
Ang tunay na Perlas ng Silanganan?
BINABASA MO ANG
FLAT NA PORMA
HumorHindi lahat ng nagsasabing sila ay sugo ay totoong itinakda. Merong iba, nadadala lang sa katangahan nila. Alamin kung sino ang isa sa kanila.