Isa sa pinakamabisang paraan upang maiparating ang saloobin ay ang pagsulat. Lahat ng tao ay may kalayaang ipahayag ang kanilang kuro-kuro. Patunay lamang na lahat tayo ay may karapatang magsulat ng kung ano ang nais nating ipahayag. Pero hindi lahat ng ninanais nating ipaalam sa tao ay kapaki-pakinabang para sa kanila o para sa iyo. Merong naisusulat na nakakasira na pinagmumulan ng kalituhan na humahantong sa kaguluhan. Ngunit kung ang layunin ng isang manunulat ay imulat ang mga mata ng karamihan sa mundong kanilang ginagalawan, sa mga bagay na hindi nila naiintindihan, matitiyak niya ang inaasam niyang pagbabago gamit ang kanyang talento sa pagsulat.
Marahil ang iba sa inyo ay matutuwa, maiinis, magkukunot-noo, mapapamura, mapapahalakhak o di kaya naman walang reaksyon sa munting paglalahad na ito. Ngunit kahit ano pa man ang iyong palagay o komento at saloobin, biro man o personalan, ay taos puso kong tatanggapin. Dahil sabi ko nga, lahat tayo ay may kalayaang magpahayag.
Kaya hindi ko na patatagalin pa, simulan na natin ang paglalahad ng aking paglalakbay!
Sum-Ulat
BINABASA MO ANG
FLAT NA PORMA
HumorHindi lahat ng nagsasabing sila ay sugo ay totoong itinakda. Merong iba, nadadala lang sa katangahan nila. Alamin kung sino ang isa sa kanila.