INTERVIEW KAY SUM-ULAT

9 2 0
                                    


Q: Sino si Sum?

A: Isang Pilipinong naghahangad na makagawa ng pagbabago.

Q: Saan matatagpuan si Sum?

A: Confidential. Baka kasi ipa-riding-in-tandem ako ng mga pulitikong galit sa akin.

Q: Totoo bang maraming pulitikong galit sa'yo?

A: Hindi ko alam. Hindi naman ako sikat. Feeling ko lang. Paranoid lang kasi ako kaya nasabi ko yun.

Q: Sino ang idolo mo sa pagsusulat?

A: Dati si Dan Brown. Ngayon si Boss Bob Ong na.

Q: Ano yung paborito mong kasabihan ni Bob Ong?

A: "Hindi para sa tama dang pagsusulat."

Q: Nagbabasa ka rin ba?

A: Oo naman. Bilang isang manunulat, kailangan talagang magbasa para mapalalim ang mga pananaw. Sa katunayan, pagbabasa ang libangan ko bago ako natutong maglaro ng Clash of Clans.

Q: Nakabasa ka na ba ng libro ni BO?

A: Oo.

Q: Ano ang paborito mong libro ni BO?

A: Stainless Longganisa. Iyon pa lang kasi ang nababasa ko.

Q: Kailangan ka nagsimulang magsulat?

A: Noong bago ako tumuntong ng Grade 1. Nagpra-praktis na akong magsulat. Una kong sinulat yung pangalan ko. Nakakapagod nga kasi pupunuin ko buong papel na ibibigay sa akin ng nanay ko. Back-to-back pa.

Q: I mean, kelan ka nagsulat ng mga piyesa mo?

A: Ah...linawin mo kasi. Ang tanga mo kasing magtanong. Nagsimula akong magsulat noong matapos kong basahin ang libro ni Bob Ong na "Stainless Longganisa."

Q: Kung magiging sikat ka tulad ni BO, ano ang gagawin mo?

A: Hintayin ko munang maging sikat ako bago ko sagutin yan. Mahirap umasa.

Q: Nalalapit na ang eleksyon, ano ang mapapayo mo sa mga botante?

A: Siguraduhin n'yo na bago kayo bomoto, lahat ng kandidato ay may perang ipinamudmod sa inyo.

Q: Bakit naman yun ang mensahe mo?

A: Tradisyon yan ng Pilipino tuwing sasapit ang eleksyon. Mahirap sirain ang mga tradisyon. Ganyan tayong mga Pilipino. Mapagpahalaga sa mga tradisyon ng ating mga ninuno. Isa pa, maging praktikal tayo. Pera yun oh. Laman din ng tyan yun. Pero wag lang tayong magreklamo kung mali ang napili nating pinuno kalaunan. Baka kasi tularan natin ang rason ng mga magkasintahang maagang nagkaka-anak. Sabi nila, aksidente lang ang nangyari sa kanila. Ano yun? Nasagasaan ng rumaragasang hotdog? Baka tayo naman dahil aksidente lang ang pagkakaboto natin sa ating pinuno, sasabihin natin na "Natangay tayo ng alon ng bumabahang pera."

FLAT NA PORMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon