ANG PAGLALAHAD

165 2 0
                                    


Ni minsan sa tala ng aking buhay hindi ko naisip na pangarapin ang tumakbo sa pagka-pangulo at manalo sa posisyong tulad nun. Pero may isang pangyayari sa aking buhay na sa s'yang nagpabago ng listahan ng aking mga pangarap.

Pero bago ko simulan ang aking paglalahad, matanong ko muna ang madla, naniniwala ba kayo sa sugo? Naniniwala ba kayo na may taong nakatakda para gawin ang isang napakaimportanteng bagay sa mundo? Yung taong naatasan ng tadhana para tuparin ang isang propesiya? Yung nilalang na nakasulat na ang kapalaran bago pa man siya maisilang?

Marahil ang salitang sugo ay medyo hindi kapani-paniwala para sa inyo. Pero kapag napag-uusapan ang tadhana, siguradong exciting yan. Pumapasok d'yan ang tinatawag na soulmate, ang lalaki o ang babaeng naka-tadhana para sa iyo. Ngunit hindi iyon ang aking tinutukoy.

Nasambit ko ang ganoong klase ng katanungan sapagkat pakiramdam ko, ako ay isang sugo. Oo, 'yan ang aking napagtanto noong nakaraang taon lamang. Salamat sa isang pangyayari sa aking buhay na s'yang dahilan kung bakit sumagi sa aking isipan na ako'y isang sugo, na ako ay merong importanteng layunin na dapat isakatuparan sa ating lupang ginagalawan. Ito ay ang maging pangulo ng bansang Pilipinas.

Bago kayo magreak, pinapangunahan ko na kayo na hindi po ako naka-drugs. Hindi po aq suminghot ng usok ng katol. At hindi rin po ako nagpapak ng isang kilong Ajinomoto. Matinong tao ako habang sinusulat ko ito. Bago ninyo husgahan ang aking mga nasasabi, hayaan n'yo muna akong ipaliwanag ang lahat.

Sa puntong ito, aking sisimulan ang kwento ng aking pagkasugo sa maikling pag-alala.

Isang linggo bago ang deadline ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy, ika-28 ng Setyembre 2015, eksaktong 9:27 ng umaga, nagkita kami ng aking katropa na si Jelo.

Jelo: Oh pare kamusta?

Ako: Ayos lang naman ako pare. Kaw?

Jelo: Ayos lang din pare. Medyo pagod sa trabaho.

Ako: Pasalamat ka na lang at may trabaho ka. Hindi tulad ko.

Jelo: Makakahanap ka rin pare. Hintay-hintay lang.

Para maiba yung usapan,

Jelo: S'ya nga pala pare, nabasa ko na yung pinapabasa mo sa akin. Yung... ano na nga palang pamagat nun?

Ako: 'Ayokong Maging Teacher'

Jelo: Oo 'yon nga. Maganda pare. Nag-enjoy ako. Ikaw naman ata ang gumawa nun eh. May special participation pa ako. (sabay halakhak na may kasamang plema sa lalamunan)

Ako: Hindi pare nabasa ko lang 'yon. Ang ganda kasi ng mensahe. Worth-to-share talaga. (palusot ko)

Ayaw ko kasing malaman ng iba na ako ang nagsulat nun. Hindi ako sanay sa papuri. Kaya iniiwasan ko. Pero s'yempre sa loob-loob ko, sobrang yabang ko. Iyon ang hindi ko maiwasan.

Kaya nasabi ni Jelo na pakiramdam n'ya na may special participation s'ya sa una kong akda kasi siya ang tinutukoy kong kaibigan kong guro sa isang parte ng kwento na nakapaloob doon.

Noong pinilit-pilit pa n'ya akong paaminin na kung ako nga ang sumulat nun,

Jelo: Sigurado ako ikaw ang sumulat nun pare. Kasi lahat ng kinukuwento ko sa'yo nandoon. Sinali mo pa talaga ako pare ha?

Ako: Oo pare sinali kita, para kapag nakulong ako, sasabihin ko na ikaw ang source of information ko para damay ka. (ako naman ang napahalakhak)

Matapos 'yon, pinagtripan muli ako ni Jelo.

Jelo: Pare, filing na ng Certificate of Candidacy next week.

Ako: Oh tapos?

Jelo: Di ka pa ba magsa-submit para sa iyong pagka-pangulo? (tawa ni Vice-Ganda)

FLAT NA PORMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon