Maniwala ka, ayaw ng mga Pilipino ng isang gobyernong may puso. Dahil marami sa ating populasyon ay bitter. At dahil tulad ng pag-ibig, hindi lang puso ang kailangan.
Hindi rin gusto ng mga Pilipino ng isang pinunong matalino. Dahil tulad sa loob ng klase, hindi gurong matalino ang kailangan ng estudyante para mahikayat ang mga ito na matuto. Dahil kung talino lang ang ipapaandar, itaga mo sa bato, hindi ka maiintindihan ng mga estudyante mo dahilan para hindi sila matuto.
Ayaw ng mga Pilipino ng isang pinunong may matagal ng karanasan sa pamahalaan. Dahil kahit may matagal ka ng karanasan, kung laganap pa rin ang kahirapan, tatanungin ka ng mamamayan, "Ilan na ang nakurakot mo sa kaban ng bayan?"
Ayaw ng mga Pilipino ng isang pinunong magtataguyod ng isang tuwid na daan. Aanhin nila ang tuwid na daan kung ang mga kasama mo sa pamahalaan ay baluktot rin ang isipan?
Isa lang ang nagugustuhan ng mga Pilipino sa mga kumakandidato sa pagkapangulo---magaling mangako.
Madaming Pilipino ang nauuto sa mga mala-asukal at mabubulaklak na pangako. Madaming pangulo na ang namuno sa ating bansa na noong kumakandidato ay nangako ng magandang buhay sa mga mamayang Pilipino. Nangako sila ng madaming trabaho. Murang bilihin. Pagkaen sa mesa. Mataas na antas ng edukasyon. Maunlad na bansa. Dahil doon, sila ay nanalo.
Ayos lang kahit hindi mo matupad ang mga iyon. Madami ring mga pinuno ang nagdaan na hindi tumupad sa usapan. At isa pa, siguradihin mo lang na may perang ipapamudmod ka kapag ikaw ay nangangampanya. Siguradong hindi ka nila makakaligtaan sa balota.
BINABASA MO ANG
FLAT NA PORMA
HumorHindi lahat ng nagsasabing sila ay sugo ay totoong itinakda. Merong iba, nadadala lang sa katangahan nila. Alamin kung sino ang isa sa kanila.