Pasko ay nagdaan na
Panibagong taon ang dumating sa madla
Ang tanong,
"Sa bayan may magiging pagbabago nga ba?"
O ganoon pa rin,
Dinudumihan pa rin ng pulitika?
"Hay naku!"
Sabi nga ni Onyok.
Lahat sana ng kurakot masabugan na ng paputok
Nang hindi na maghirap pa
Ang mga probinsyanong kawawa
Buti pa si Pia
Ipanakita ang ganda ng ating bansa
Hindi tulad ng karamihan sa gobyerno
Pinapasingaw nila ang kanilang baho
Halalan ay nalalapit
Mga kandidato sa pagka-pangulo
Sinasamantala ang pagkakataon
Habang maraming Pilipino ang gipit
Pangako ngayon,
Pangako pa rin sa susunod na taon
Paano na ang susunod na henerasyon?
Isang pangako lang ba ang matutupad ng mga susunod na administrasyon?
Ang ipagpapatuloy ang tradisyon ng korapsyon?
BINABASA MO ANG
FLAT NA PORMA
HumorHindi lahat ng nagsasabing sila ay sugo ay totoong itinakda. Merong iba, nadadala lang sa katangahan nila. Alamin kung sino ang isa sa kanila.