Chapter 14 - Shoulder

50 5 0
                                    





A/n: ito pong chapter na to ay maikli lang hehe tinatamad si author eh...






Chapter 14 - Shoulder



Nandito na ako sa tabing dagat nakaupo at pinapanuod kung paano lumubog ang araw. Habang pinapanood ko ito nagsimula na namang magsituluan ang mga luha ko.
Pesteng luha naman oh... kanina pa... hindi pa ba sila pagod.... ako kasi pagod na pagod na.... yumuko ako at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay ko ng may mag abot ng panyo sa akin. Tinignan ko ung panyo pataas sa mukha nya at laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nagaabot saakin ng panyo...


"Sige na, kunin mo na. Gusto mo ba ako pa magpunas ng luha mo?" tanong nito saakin






"Ah... h-hindi a-ako na... s-salamat" sabi ko sabay kuha ng panyo sakanya. Pinunasan ko ung luha ko naramdaman ko naman na umupo sya sa tabi ko..




"Narinig ko" napalingon ako sa kanya ng sabihin nya iyon Hinihintay ang susunod nyang sasabihin

"Narinig ko na nagbreak na daw kayo ni John Lloyd... usap-usapan na kaya yon sa buong campus.... ang sabi nga nila naghiwalay daw kayo ng dahil saamin eh" sabi niya saakin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Hindi sa usap-usapan kundi ung sila ung sinisisi dahil naghiwalay kami ni JL.




"Sorry" sabi ko sakanya



"Ok lang. Wala naman kaming pakialam doon eh.." sabi nya. Naiiyak nanaman ako dahil sa sinabi nya imbis na magalit sya winalang bahala nya nalang iyon.




"Wag mong pigilan iiyak mo lang. Wag kang mag alala hindi kita pagtatawanan. Ayos lang namang umiyak eh.. pero dapat paminsan-minsan lang..." sabi nya saakin.. mas lalo tuloy akong naiiyak....





"Shawn.... pwede bang---- pwede bang umiyak sayo...."




"Oo naman, pero promise me na ito na ang huling luha na ilalabas mo. Hindi kana iiyak mamaya.... promise?"




"Promise" sabi ko... nginitian lang nya ako at ibinuka ang dalawang braso nya.. lumapit ako doon at niyakap sya at doon nagiiiyak- iyak....




Sniff..... sniff..




Teka ang bango....





"Shawn anong pabango mo??"



"Bakit?"




"Ang bango mo eh"



"Hahahahahaha"



Napangiti ako ng tumawa sya pero tunuloy ko parin ang pagiyak ko sa braso nya. Makalipas ang ilang oras natapos narin akong umiyak at 8:00 na pala ng gabi... humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at nagsalita




"Shawn.... uwi na tayo... gabi na oh" sabi ko rito.. ngumiti ito at tumayo



"Sige" nilahad nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko naman ang kamay nya ng may ngiti sa labi... naglakad na kami papunta sa isang kotseng pula at nagulat ako mg tumigil kami doon...



"Teka bakit tayo tumigil?" Tanong ko sa kanya. Ngiti lang ang isinagot nya saakin sabay. Bukas ng pinto sa passenger seat. Hindi ako sumakay tinitigan ko lang ang sasakyan nya. Hanggang sa maramdaman ko nalang na isinakay na nya ako sa sasakyan nya. Siguro sa sobrang tagal kong tulala pinasok na nya ako at siguro sa sobrang haba ng pagiisip ko hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng bahay...




Teka, ba't ang bilis???


"Uhmm..... Journey andito na tayo" sabi nito saakin




"Ay, oo Sige thank you...." sabi ko kay Shawn lalabas na sana ako ng biglang hinawakan ni Shawn yung kamay ko kaya napalingon ako rito...



"B-bakit?" Kinakabahang sabi ko




"J-journey... ung promise mo ah.... wag kanang iiyak ha? Kung hindi lagot ka saakin"




"Hahaha.... Sige po hindi na po ako iiyak.... thank you ulit ah... thank you so much..."


"Anytime" ngumiti lang ako at pumasok na ng gate narinig ko naman ang pag andar ng makina ng kotse nya kaya alam kong nakaalis na sya.. umakyat agad ako ng kwarto at nahiga sa kama.



Hindi lang naman pala puro kamalasan ang nangyayari sa akin ngayong araw. Meron din palang swerte, ayun ay ng makasama ko si Shawn.



Kinuha ko ung panyong pinahiram nya saakin. Hindi ko pala naibalik ito sa kanya... binuklat ko ito at may nakita akong parang tinta ng ballpen inikot ko ito at nagulat ako ng mabasa ang nakasulat sa panyo






'Park Chanyeol'









Ashley's POV





"Run Arriana!!" Sigaw ko


"Ash run!" Sigaw ni lance


Andito kami sa isa sa mga hotel sa japan... tumatakbo kami ngayon dahil nahanap nanaman kami ng mga alalay ng mga gangster na gustong kumuha sa akin. Saamin.


Pumunta kaming parking lot at sumakay sa kotse ko. Sinakay ko si Arriana sa back seat ako naman sa passenger seat at si Lance naman sa driver seat..



"Ashley, what's happening? Can you please explain what's happening?" Arriana ask




"Sorry arriana...."






"Lagi nalang.... Ashley ano ba kasing nangyayari at lagi nalang tayo umaalis.. Halos napuntahan na natin lahat ng bansa sa buong mundo..."




"Im sorry talaga Arriana.... sooner or later malalaman mo rin ang lahat.. sa ngayon intindihin mo muna ang lahat...."




"Okay"



Nang makarating na kami sa airport saktong saktong kami na ang lilipad. Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay na kami sa eroplano...





After ** hours lumapag na ang eroplanong sinakyan namin. Lumabas na kami ng airport at nag hanap ng hotel na pwedeng pag stayan ng ilang araw.... ng makakuha na kami ng kwarto na good for two ay nahiga na ako sa isa sa mga kama tumabi saakin si Arriana at si Lance nilock muna ang pinto bago naman sya nahiga sa isang kama.... ipinikit ko na ang mga mata ko at ramdam ko rin na pinikit na rin nila ang mata nila at nagsimula na kaming matulog




Goodnight Philippine .....




♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦

A/n: Yehey!!! andito na sila....
Dedicated nga po pala ito kay
arianapuppy & nick_bluePands
thank you po sa pag vote and Comment....





Vote


&



Comment

The 12 Mr. Nobody is a Secret IDOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon