Chapter 5 - With them

53 5 0
                                    


D.O / Nathan's POV

Hi! I am Do kyungsoo known as Nathan Evans in Maindane Academy.

Nang matapos ang klase pumunta kami sa rooftop dahil gusto daw kaming makausap ng Campus princesses para sa gagawin naming project. Nandito nakami nakatayo at hinihintay sila. Mayamaya andito na sila.

"Uhmmm...So about dun sa project. Bukas nalang natin ng gabi gawin yon. Pwede ba kayo?" Tanong ni Ms. Journey. Bago namin sagutin yon, tumingin ako kayla Suho at ganon din ang ginagawa nila. Nagtuturuan kami gamit ang mga tingin namin kung sino ang sasagot. Pwede kami kaso ayaw magsalita ng mga toh. Mayamaya sumuko na si Yeol at sya na ang sumagot. Hehe siguro dahil hindi na nya kinaya ang katahimikan... hahaha ^_________^

"Opo, pwede po kami bukas.." nakatungong sagot nya.

"Drop the 'Opo' word" sabi ni Miss hannah.


"Sige Ms. Hannah" sagot ulit ni Yeol

"Hahaha! Wag mo nang lagyan ng Miss. Hannah nalang. Okay!?" Nakangiting sabi nito. Shocks ang cute nya....actually lahat sila cute at magaganda hindi lang yon matalino pa.

"Cge po, ah...mis--- este Hannah, ano po ba ung gagawin natin?"

"I think bukas nalang din natin isipin yon"

"Saan natin yon gagawin???"-Sehun

"Ahmmm...sa bahay ko nalang. Pwede ba kayo?"-Journey

"Oo"-Suho

"Wala naman si mom kaya pwede tayong magingay at magkalat doon"-Journey

"Ok"-Jersey and Hannah

"So, sa bahay ahhh. Sabay-sabay nalang tayo pumunta dun. Bye"-Journey

Pagkatapos nilang sabihin yon, umalis na sila. Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na napabuntong hininga.

---------

Jersey's POV






"Nandito na po ako!!!!" Sigaw ko ng makapasok na ko sa loob ng bahay. Nakita ko naman si kuya Gab na nanonood ng TV. Alam nyo ba kung anong channel ang pinapanood nya.... CARTOON NETWORK! BATA!

"HOY! HALIMAW KONG KUYA! CARTOON NETWORK NANAMAN!???" Tanong ko dito. Tinignan nya ako saglit at binalik ulit ang tingin sa TV. Argggg!!!! Hindi ako makapaniwala na may kapatid akong isip bata... pagnakita nyo sya, nako magiinit ang ulo nyo. Parang ako pa ang matanda saamin. Pero pag yan nagseryoso na ko takpan mo na ang tenga mo panigurado tatadtarin ka nya ng maraming pangaral tinalo pa ang pari kung magmisa. Dahil hindi ko kinaya ang pagkaisip bata nya umakyat nalang ako sa kwatro ko.

Pagdating ko sa kwarto, agad kong nilock ang pinto at nagpalit ng pambahay at sabay nahiga sakama. Grabe ang buhay ngayon. Ikaw nalang magiisip ng project na ipapasa mo. Hayyy.... siguro gagawa nalang kami ng chart tapos lahat ng pinag aralan namin ilalagay namin doon. AMAZING!!!!!!! ^________-v

---------

[ Uwian ]

"Tara na! Para matapos natin kaagad..." sabi ni journey. Ngayon na kasi kami gagawa ng project. Sinabi ko sa kanila yung naisip ko kahapon na chart nalang ang gawin namin pumayag naman sila. Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Hannah.. hehe nakikisabay ako...si journey? May sariling kotse yon. Nasaan ang 12 nobody's??? May sarili silang van hehe...

[ Journey's house ]

"Simulan na natin!"- Hannah

"Sige!"Pang sangayon ko. Andito na kami sa bahay ni journey gumagawa ng project. Wala naman ang mama at papa nya eh mga katulong lang nila kaya pwede kaming mag ingay.

"Uy! Ano Jersey? Tutunganga ka nalang?" Sabi ni Journey. Asus! Sya nga kain lang ng kain eh! Tumaba ka sana... :P

"Ano!? hindi nyo kami tutulungan?" Tanong ni Hannah habang nakatingin sa ginagawa naming project.

"Ito na nga oh! tutulong na eh!" Sabi ko rito. Umiling nalang sya at pinagpatuloy ang pagsusulat.

...












...









...






...






...




Yes! After 143 years natapos narin....


"Ayos nato!"- Hannah


"Oo pwede nayan!"- Journey

"Napapansin ko Nathan kanina pa kayo hindi nagsasalita. Bakit? May problema ba sa gawa natin" tanong ni Hannah ng may bakas na pagtataka sa mukha. Napalingon narin kami ni journey sakanila halata sa mukha nilang kinakabahan. Bakit naman sila kakabahan ehhhh hindi naman kami kumakain ng tao, hayop lang... ^______^

Nag katinginan sila Nathan sa isa't-isa. Mayamaya siniko nilang lahat si Nathan. Naglabas ito ng malalim na buntong hininga at hinarap kami. Nakakatakot sya... grabe sya makatingin parang papatayin nya nakami. OA na kung OA. ehhh nakakatakot sya eh!!! anong magagawa ko. Makatingin naman kasi sya eh super seryoso. Huhu TT____TT katakot...Matagal tagal din kaming nagtitigan tapos bigla syang yumuko.... Tsss.... akala ko seryoso na...  kinabahan pa ako...

" uhmmm.....a-ano...k-kasi...ahhmm...." sabi ni Nathan sabay kamot sa batok. Hala! Hindi sya makapagsalita ng maayos. May sakit kaya sya? Hoy! Wag nyong bigyan ng MALAYSIA ah! Wala akong FEELINGS kay Nathan..

"Ah..? Ano?" Tanong ni Hannah

"Ahh.. ano..Naiilang kasi kami eh.. hindi namin kaya makisabay sa inyo. Nahihiya kami kasi ang gaganda nyo kami ang papanget.. dapat ang mga kasama nyo ngayon ung mala prinsipe ang mukha. Mukha kayong dyosa kami ali--" hindi na tuloy ni Nathan ang sinasabi nya ng putulin sya ni Hannah.

"wag kayong magiisip ng ganoon. Look, sinusubukan namin magopen ng topic na kaya ninyong sabayan pero kahit kaya nyo hindi nyo dinudugtungan. At tsaka wag nyong ikumpara ang mukha nyo sa ibang tao. Hindi naman kasi yan nakikita sa labas na anyo. Panget nga kayo sa paningin ng iba, may maganda naman kayong puso, gwapo nga sila masama naman ugali. At tsaka wag nyong pansinin ang kagandahan namin. Wala namang taong panget eh subukan nyong mag ayos tapos pagkatapos nyo mag ayos irampa nyo ung mukha nyo panigurado BOOM! lahat sila NGA-NGA" mahabang sabi ni Hannah. Pagkatapos nyang sabihin yon lahat kami napatawa pati ang 12 Mr. Nobody napatawa ni Hannah sa ka childish-an nya. Hahahaha ^_______^


"See, ang gwapo nyo pagtumatawa" nakangiting sabi ni hannah. Nang dahil sa sinabi nya napatigil sa pag tawa ang 12 mr. Nobody.

"Oh, bukas mall tayo!" Sabi ni Journey. Napangiti ako sa sinabi nya. Tumingin ako kay Hannah na nakangiti rin.


"Ano? Pwede ba kayo bukas?" Nakangiting tanong ni Hannah sa kanila. Tumingin ulit ang 12 Mr. Nobody at sabay-sabay na tumango at sinabing

"Pwedeng-pwede!"-12 Mr. Nobody


Napangiti ako at sabay sabi


"Okay! Bukas 9:00 kita nalang tayo dito sa bahay ni Journey. Sunduin nalang natin sya. Okay!?" -ako

"Ok!"-all



********



Comment

&

Vote

The 12 Mr. Nobody is a Secret IDOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon