Chapter 13 - What a day???? [ part 2 ]

38 3 0
                                    






Journey's POV




Pagkatapos ng lahat ng narinig ko about kay JL ay hindi na ako nakatulog. Iyak lang ako ng iyak. Ang tanga tanga ko at nagpauto ako sa kanya... mag 7:00 narin kaya ginawa ko na ang gawain ko tuwing umaga... nang matapos na ko, nag ayos ako ng konti at bumaba na dumiretso ako sa dining table para kumain, onti lang ang kinain ko kasi wala akong gana. Lumabas na ako ng bahay pagkatapos kong kumain sumakay na ako sa kotse ko at pumunta ng school ayoko sanang pumasok pero kaylangan kasi may quiz kami pero feeling ko hindi ko rin naman masasagutan dahil hindi ako nakapagreview at para makipag break na rin ako kay JL.
Pumasok na ako sa school ng makarating na ako at umakyat na sa building namin para pumuntang room... pagpasok ko rito, nakita ko si Jersey na nagrereview at si Hannah na tulala ng dahil siguro ito kay Gem. Akala ko wala na syang nararamdaman kay Gem akala ko move on na sya yun pala hindi pa akala lang pala ang lahat gaya ko akala lang pala na mahal ako ni John Lloyd....







Mga paasa sa mundo!!! Mawala na kayo!!!! At pag nawala na kayo kami ay magdidiwang! Sa isip ko. Oo! Ako na ang O.A.. paki intindi nalang broken hearted eh....







"Uy Journey! Halikana rito hinaharangan mo na ung mga kaklase nating gusto ng pumasok oh!!" nagising ako sa katotohanan ng sumigaw si Jersey at si Hannah naman parang bumalik din sa katotohanan ng marinig nya ang makabasag ear drums na boses ni Jersey. Napalingon naman ako sa likod ko at nakita kong punong-punong kaklase ko ang naghihintay sa labas ng room agad akong tumabi at pinapasok ang mga kaklase ko. Grabe ang dami nila halos kalahati ng mga kaklase ko yata andito eh.... nang lahat sila nakapasok na naglakad na ako papuntang upuan ko at umupo na sa tabi ni Hannah... mayamaya pumasok na ang 12 Mr. Nobody kasama si Ma'am.






Discuss dito









Discuss doon










"Ok class, magpeperform kayo dito sa harap next monday at gusto ko may nahanda na kayong sayaw at kanta... okay!?"







"Yes ma'am"








"May anim na araw pa kayo para paghandaan yang kakantahin at sasayawin nyo. Goodbye"








"Goodbye ma'am reyes" paalam namin. Saglit na katahimikan ang bumalot sa room pero ng masiguradong wala na si ma'am agad tumayo ang isa sa mga kaklese kong lalaki sabay sigaw ng








"YES!!!!!! BREAK NA!!!!!!!"






"YEHEY!!!!!!" Sigaw ng mga kaklase ko








Nagsitakbuhan na ang mga kaklase namin palabas ng room.... pero ako si Jersey, Hannah at 12 mr. Nobody naiwan dito.






"Uhmm... tara sabay-sabay na tayong kumain ng lunch" nahihiyang yaya ni Christian






"Sige" sabay na sabi ni Hannah at Jersey






"Sige kayo nalang may hahanapin lang ako..." sabi ko sa kanila sabay labas ng room. Hahanapin ko muna si JL at aayusin ko na ang lahat bago ako sumama sa kanila.... lakad lang ako ng lakad nagbabakasakaling makita sila hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko sila naglalakad sa hallway at syempre yung mga girls at feeling girls natititili nanaman.







"John Lloyd, can we talk?"






"Uhmm Journey, naguusap na tayo"







"Ay, oo nga noh.... Sige JL hindi ko na papatagalin sasabihin ko na ng diretso..."






"O Sige"






"JL"






"Ano??"





"JL, lets--- lets break up"




"W-what!? Hell no!"





"Sorry John Lloyd pero sapat na ang panlolokong binigay mo saakin"






"Journ let me explain... Journey!!!" Hindi ko na sya pinansin at hinayaan ko na syang magsisisigaw doon tumulo na rin ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Umakyat ako sa room at kinuha ang gamit ko. Hindi muna siguro ako papasok ayaw kasi tumigil ng luha ko eh... kukuha nalang siguro ako ng special quiz.. tumakbo ako pababa ng building. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga kaschoolmate ko pero wala akong pake gusto ko lang mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako gustong dalhin ng mga pala ko basta ang alam ko nasa parking lot na ako pumunta ako sa kotse ko at binuksan ang driver seat. Tumigil ako sa pagiyak dahil hindi ko mabuksan ang pinto







"Hala, bakit ayaw mabuksan?" Tanong ko sasarili hanggang sa marealize ko na kaylangan nga pala ng susi. Ok!? Epic fail. Ang ganda na ng drama ko eh tapos masisira lang dahil walang susi!?






"Ay tanga, paano mabubuksan eh walang susi" sabi ko sa sarili ko. Agad kong kinuha ang susi sa bag ko at pinindot ito para mabuksan agad akong sumakay ng mabuksan ko ito at dinarive para lumabas ng school ng malapit na ako sa gate tsaka ko lang napagtanto na may nagbabantay pala. Napangiti ako ng makita kong bukas ang gate at tulog ang guard agad kong binilisan ang pagdadrive hanggang makalabas ako laking tuwa ko ng makalabas ako pero ng makalayo-layo ako ng onti biglang tumigil ung kotse ko.









"Shocks! Nasiraan pa yata ako! Kaasar!" Sabi ko sa sarili. Malayo pa naman ang sakayan dito dalawang kanto pa ang lalakarin makapunta lang sa sakayan... argghhhh!!!! Agad akong lumabas at binuksan ang pinaglalagyan ng makina at nakita kong umuusok ito agad ko itong sinara at kinuha ang gamit ko sa kotse tatawag nalang ako ng nagaayos ng kotse... pagtingin ko sa phone ko.... putcha.... 1% nalang battery ko..... 1%!!!!! Arghhhhh!!!!
Wala na akong nagawa kaya naisipan ko nalang maglakad. Malayo-layo na ako sa kotse ng biglang tumulo ang luha ko... ang sakit eh.... may naramdaman naman akong may tumulo sa ulo ko. Hindi naman pwede ung luha ko ung tumulo dahil nasa mata ito. Pwede pa kung may pakpak ang luha ko... hindi ko nalang ito pinansin at itinuloy nalang ang paglalakad at pagiyak ng biglang bumuhos ng napakalakas na ulan... kainis wala pa namang pwedeng pagsilungan dito....









"WAHHHH!!!! BAKIT BA ANG MALAS-MALAS KO NGAYONG ARAW NATO!? BAKIT!?" umupo ako sa kalsada at nag sisisigaw ng bakit... ng mapagod ako sa kakasigaw naglakad na ulit ako at hinayaan ng maligo sa ulan ano pa ba ang magagawa ko eh basa na ko kaya maliligo nalang ako. Habang naglalakad ako may lumapit na lalaki saakin at tinutukan ako ng kutsilyo.









"Miss, holdap to" Grabe naman sa gitna ba naman ng ulan, pag iyak at pagdadrama ko may magnanakaw parin. Dahan-dahan kong hinarap ung lalaking nagholdap saakin sabay sigaw ng





"KUYA ANO BA!? PWEDE BA IWAN MO MUNA AKO! NAKITA MO NAMANG UMIIYAK AKO 'DI BA!? KUYA UMALIS KA SA PAGMUMUKHA KO BROKEN HEARTED AKO OKAY!? BROKEN HEARTED!" Pasigaw na sabi ko







"S-sige po ma'am" sabi nung holdaper sabay takbo... aba! Natakot ang loko.. naglakad nalang ulit ako hanggang makita ko na ang sakayan. Sumilaw ang mga ngiti ko sa labi ng makita iyon ng biglang
















NADAPA AKO











Ano ba!? Bakit ba ang malas-malas ko ngayong araw!?





"Aray ko" tumayo ulit ako at naglakad nalang papunta doon. laking tuwa ko ng makarating na ako. Agad akong pumara ng taxi at sinabing pumanta sa tabing dagat.









♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦






A/n: Hello po readers... pls. Pakisuportahan naman po ng story ko..... nakakagana po kasing magupdate pag maraming nagbabasa, nagcocomment at nagvovote ng story.... salamat po.....!!!!!







Vote




&







Comment



The 12 Mr. Nobody is a Secret IDOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon