Chapter 15 - Performance

63 6 6
                                    







Lance POV







"Ashley tignan mo ung dalawa... ang sweet noh? Kaylan kaya ako magkakalove life..." sabi ko kay Ash





"Tsssss... alam mo.... kumain ka nalang, ang dami mong satsat..."




"Tsssss... BITTER!!!!"



"Arriana, Theo!!!! Kain na tayo!" Tawag ni Ash kay Theo at Arriana




"Ito na!" Pasigaw na sabi ni Arriana. Lumapit na si Arriana at Theo saamin. Umupo na sila at nagsimula ng kumain




"Theo oh... say ahhhh!!!!!" Sabi ni Arriana sabay tutok ng kutsara sa bibig ni Theo na may laman na mango cake. Ngumanga naman si Theo at sabay sabing


"Ahhhh......." isinubo ni Arriana kay Theo ang kutsarang may lamang mango cake.



Im Lance gy Lim. 14 years old palang si Arriana ng pumasok ito sa buhay pagibig... ngayong araw ang 6 monthsarry nila Arriana at Theo... bata palang kami magkakaibigan na kami magkakaibigan na kasi ang mga magulang namin dati pa. Masayang-masaya silang dalawa at makikita mo na mahal na mahal nila ang isa't-isa pero isang araw magkasama kami ni Ash na naglalakad sa hallway. Sa aming magkakaibigan kasi, si Ash ang pinakaclose ko... open kami sa isa't-isa at walang tinatagong kahit anong sikreto habang naglalakad kami nakita namin si Arriana-ng umiiyak agad kong kinalabit si Ash at tinuro si Arriana. Tiniwag ni Ash si Arriana ng makita kami nito agad itong tumakbo at niyakap si Ash iyak ng iyak si Arriana sa balikat ni Ash tinanong ni Ash si Arriana at ang sabi nito hiwalay na sila ni Theo... nagulat ako nung araw nayon dahil mapapansin mo sa mata ni Theo na hinding-hindi nya kayang masaktan si Arriana at makikita mo rin dito na hindi nya kayang mabuhay ng wala si Arriana sa buhay nya.... nagka trauma si Arriana ng mga panahong iyon tinatanong ko si Theo pero lagi nyang pinapakita ang cold stares nya at ang boses nya na kasing lamig ng yelo at lagi nyang sinasabi saakin ang katagang 'its none of your business' medyo nasasaktan ako pagnaririnig ko iyon galing sakanya. Makalipas ang isang linggo pagkatapos ng break up ni Arriana at Theo hindi ko na masyadong nakikita, nakakasama, nakakausap si Ash at kahit sa text hindi sya nagrereply.







Nov. 13 20**

2:00 PM... Friday the 13TH
Balleyne Academy
U.S







Nakita ko si Ash nasa dingding at nakasilip ang ulo parang may sinisilip. Maymaya lumabas sya sa pinagtataguan nya at parang may sinusundang tao dahil may nakita akong mga lalaking nakaitim. Oo, lahat sila nakaitim ng makita kong sinundan ni Ash yon agad akong natakot kaya sinundan ko sya. Napunta kami sa likod ng school nakita kong nagsitalunan ung mga lalaking nakaitim sa dingding at nakita kong ganoon din ang balak ni Ash. Pipigilan ko sana sya kaso nakatalon na sya kaya no choice ako kaya tumalon din ako para sundan sya. Pagtalon ko bumungad sakin ang napakaraming puno.....



"Grabe nakakaligaw toh.... teka nasaan na ba sila?"bulong ko sa sarili. Hinanap ng mata ko si Ash at nakita ko naman ito tumatakbo hindi gaano kalayo sa kinatatayuan ko. Agad akong tumakbo at hinabol sya..




Makalipas ang ilang minuto nakalabas narin kami sa gubat. Paglabas ng gubat may kalsada at sa harap naman nito gubat ulit. Ganito








Gubat      |    kalsada   |     Gubat






Nakita ko namang naglalakad si Ash sa may gilid ng kalsada kung saan may natitira pang malalaking puno. Ginaya ko si Ash at sinilip ang sinisilip nya napatingin ako sa mga lalaking men in black at nagulat ako ng makita ko si Theo na isa sa kanila.






The 12 Mr. Nobody is a Secret IDOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon