Chapter 18 - Transferee

68 5 8
                                    


"Uhmm... Ashley can I ask you something?" Tanong ko kay Ashley. Nandito kami ngayon sa Garden.. nagpapahangin

"About?" Tanong nya saakin

"Arriana, you, Lance, Gem and the others" nahihiyang sagot ko

"Sige" nakangiting sabi nya saakin

"Uhmmm.... bakit tulala si Arriana?? Napansin ko kasi na kanina pa sya tulala" tanong ko. Nakita ko namang naglabas sya ng malalim na buntong hininga bago nya sinagot ang tanong ko..

"Naaalala mo ba si Theo, ung may hawak kay Arriana kanina?" Tanong nito. Tumango naman ako at hinintay ang susunod nyang sasabihin. Bumuntong hininga ulit sya..

"14 years old palang kami ng pumasok si Arriana sa buhay pag-ibig. Boyfriend nya si Theo noon at hindi rin nagtagal naghiwalay sila. Gulat na gulat kami ni Lance na malaman naming break na sila. Mapapansin mo kasi sa mata at mukha nila na hindi nila kayang mabuhay ng hindi magkasama... pero naghiwalay nga sila... at nung araw nayon na trauma si Arriana... kami ni lance ang tumulong sa kanya sa pagmomove on, nakamove on nga sya pero may problema namang pumasok sa buhay namin. Walang bansa ang pinagstayan namin ng matagal ung tipong after one week lilipat na ulit kami ng bansa... nagaaral naman kami pero nagd-disguise kami.... hindi namin pwedeng ipakita ang mukha namin dahil mahahanap nila kami... sa tingin ko nga lahat yata ng bansa napuntahan na namin eh... alam mo bang gustong-gusto ko ng mamuhay ng tahimik... makapagtapos ng pagaaral ng walang ibang pinoproblema kaso ito na yata ang itinadhana sa amin eh... ang habulin kami ng killer hanggang sa mamatay kami...."


"Eh... si Gem p-paano mo sya nakilala at bakit nila kayo hinahabol at b-bakit may h-hawak silang b-baril?" Nuutal na tanong ko..


"Sila Gem ang killer na tinutukoy ko" sagot nya




Ano daw? Sila Gem? Ang killer?




"Huh?"



"Pangatlo si Gem sa gang nila o mas kilala syang 3 sa gang nila... sa isang gang 7 sila ang namumuno si Robin ang taong gustong magpapatay saakin kung akala mo 7 lang sila nagkakamali ka dahil may mga alalay sila... pinahahanap nila kami sa mga men in black nila at pagnahanap nila kami dadalhin nila kami kay Robin. Papahirapan muna nila kami bago patayin.... nagsimula ang lahat ng sundan ko si Theo 2 years ago... after 1 month pagkatapos ng break up nila Arriana, nakita ko si Theo papunta sa likod ng school sinundan ko sya hanggang sa makita kong tumalon sya sa bakod sa likod ng school... tumalon ako at nagulat ako dahil sa nakita ko, maraming puno at paghindi mo kabisado maliligaw ka pero mas nagulat ako ng makita ko si Theo na may kausap na 6 na gwapong lalaki.... nagusap sila sandali at umalis din sinundan ko sila hanggang sa mapunta kami sa isang lumang building. Pumasok sila kaya pumasok ako.. hindi ako gumagawa ng kahit anong ingay para hindi ako mahuli. Medyo matagal sila nagusap bago umalis at gaya nila umalis na rin ako. Halos araw-araw ko yun ginagawa hanggang isang araw sa Balleyne Academy sa school ulit sinundan ko sila gaya ng ginagawa ko dati noon araw-araw. Nakadating ako ulit sa lumang building. Umakyat kaming 2nd floor nagtago ako sa ding-ding may naramdaman naman akong parang tao na nasa likod ko dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Lance muntik na ako sumigaw sa gulat pero buti nalang at tinakpan nya ang bibig ko.. tinanong ko si Lance kung bakit sya naroon sinagot naman nya ako pero...." huminga si Ashley ng malalim sabay tingin sa lupa at tinuloy ang kwento



"Pero na huli kami.. pinapili si Lance kung gusto nya pang mabuhay o mamatay pero hindi namin sinagot nakatakas naman kami pero nakakareceive kami ng text sa Unknown no.#  At alam namin na sila iyon.... at pinapipili parin nila si lance Death or Alive.. pag alive ang pinili mabubuhay pa sya pero sasali sya sa gang and death syempre mamatay sya.. kayang-kaya nilang pumatay ng tao... at malinis silang pumatay walang naiiwang ebidensya... at kitang-kita ko kung papaano nila patayin ang kaawa-awang babae... marami akong alam about sa kanila kaya pinapapatay ako ni Robin... dapat talaga patay na ako eh... pero pinigilan ni Theo sila Robin" sabi nya... ganoon pala ang storya nya. At ganoon pala kasama sila Gem.. mga walang hiya sila, mamatay tao...!! nakita ko namang nangingintab na ang mata nya at alam kong naiiyak na sya... pero bago pasya umiyak niyaya ko sya




The 12 Mr. Nobody is a Secret IDOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon