Chapter 28 - Banana split

33 5 2
                                    







Hannah's POV






Nandito na kami sa tapat ng bahay. Nakita naming nakaupong Ashley sa labas ng gate. Agad akong bumaba at lumapit sa kanya. Nakasandal ang dalawang siko nya sa tuhod nya at nakatakip ang mukha gamit ang dalawa nyang kamay.







"Ashley" tawag ko ng makalapit ako sa kanya. Dahan-dahan nyang inangat ang ulo nya at halos atakihin na sa puso sa gulat ng makita ko ang mata nyang namumula.
"Oh my gosh! Ashley what happened to you? you said youre alright but what the hell happened to you?" Paikot-ikot na sabi ko. Nakita ko na rin na nakatingin silang lahat kay Ashley.







"Ayos lang ako. Sige na buksan mo na ung pinto. Gusto ko ng matulog. Pagod na ako eh..." nakangiting sabi nya. Binuksan ko ang pinto at hinayaan syang pumasok. Tumingin ako kay Lance at Arriana





"Sige Lance at Arriana tulog na kayo." Sabi ko. Tumingin ako kay Journey,Jersey at 12 mr. Nobody "Sige na umuwi na kayo." Sabi ko. Lumakad ako sa kotse ko pero bago pa ako maksakay s driver seat tinawag ako ni Nathan







"Hannah" tawag nya. Lumingon ako at hinintay ang susunod nyang sasabihin "hmmm.... ano... hmmm... pwede ba tayong magusap?" Tanong nya. Kumunot ang noo ko at 'di nagtagal tumango rin. Tinuro ko ung passenger seat at nakita ko ang pagsunod-sunod na paglunok nya. Ngumiti ako dahil alam kong natatakot syang ako ang magdrive. Kaya umiling ako at lumipat sa passenger seat at nakita ko namang nakahinga sya ng maluwag sa ginawa ko at dumiretso sya sa driver seat.








Nandito kami sa park. Gabi na kaya walang tao. Kami lang. Nakaupo kami sa isa sa mga bench dito.







"Uhmm... Hannah... didiretsohin na kita. Uhm... gusto ko sanang yayain kang lumabas bukas kung pwede ka?" Napalingon ako kay Nathan ng magsalita sya. Natawa ako sa itsura nya kasi nakayuko sya at namumula ang mukha.







"Sige, saan ba?" Tanong ko. Napataas ang mukha nya at tinignan ako ng parang hindi makapaniwala. hahaha...







"Bukas ko nalang sasabihin..." nakangiting sabi nya.




"O Sige" sabi ko. Pagkatapos non bumalik na kami sa bahay at naabutan pa namin sila Journey at Jersey pati sila Allen.







"Oh andito pa kayo" sabi ko







"Paalis na kami ng dumating ka" sagot ni Journey







"Uhm hinihintay namin si Kyungs—" hindi natuloy ni Kyle ang sasabihin ng sikuhin sya ni Christian. Napalingon si Kyle at nanlaki ang singkit nyang mata. Wait, singkit? "ah..... ano..... I mean hinihintay naming dumating si Nathan. He-he... he-he" nakahawak sa batok nyang sabi. Cute.






"Ah.. ganoon ba. Oh sige... kita nalang tayo bukas. Nathan." Sabi ko








"Sige bye... sunduin nalang kita bukas, 10:00 AM.." sabi nya. Tumango ako at ngumiti. Sumakay na sila Journey at Jersey sa sasakyan nila at umalis na ganoon din sila Nathan. Pumasok na ako sa loob at ni lock ang pintuan at pumunta sa kwarto ko at  natulog na...







7:30 palang ng umaga nagising na ko. Ewan ko, Siguro naeexcite. Huh? Ako excited? Aba ewan. 9:00 AM pa lang nag aayos na ako. Actually hindi ko alam kung anong klaseng date yun eh... wait, date? Hindi ko naman alam kung date ba yun o hindi eh pero I consider it as a date. Bakit? Pake nila. Ako lang naman ang nakakaaalam na date toh eh...








The 12 Mr. Nobody is a Secret IDOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon