Chapter 3

18.7K 404 20
                                    

******

Abby's P.O.V

Nauna pa 'kong magising sa tunog
ng alarm clock ko, usually kasi late
na akong pumapasok sa school.

Pero this time maaga akong na
gising, Nag inat-inat muna 'ko ng katawan, bago tuluyang bumangon
sa kama.

Inayos ko din muna ang mga pillow's
at comforter ko, tinignan ko muna 'yong mabuti bago nag punta sa
closet ko.

Hinanda ko ang uniform na isoot
ko, pati na rin ang iba pang gamit
na gagamitin ko mamaya.

Nung masiguro kong ok na, nag
punta na ko sa cr para mag shower.
15 mins lang ang tinagal ko sa paliligo.

Kailangan fresh na fresh ako
ngayong araw na 'to, dahil ito ang pinakaaabangan kong araw.

"Perfect,"

I said to myself pagkatapos kong
isuot ang new uniform ko.

Nag suklay na 'ko ng buhok, at nag pahid ng natural foundation, and
the final touch. My favorite cherry flavor lipgloss.

Nang nasatisfied na ko sa itsura ko, bumaba na 'ko para mag breakfast.
Nakita ko agad si ate Shay.

Every morning nagbabasa sya ng dyaryo, habang kumakain, 'yun na
ang everyday routine nya, lumapit
na 'ko sa kanya.

"Good morning ate muahhhh."

"Good morning baby, maganda
yata ang mood mo ngayon?
excited much?"

Masayang bati nya, itinigil muna
nya saglit ang pagbabasa, at excited itong humarap sakin.

"Of course makikita ko na si Elise
my love." Sabi ko sabay tusok sa hotdog.

Nginitian nya ko ng nakakaloko,
na para bang ngayon lang nya 'ko nakita na ganito kasaya sa buong
buhay nya.

"Ano bang plano mo? Mag tatapat
ka na ba agad ng pag-ibig mo? O sasabihin mo sa kanya na, Hey Elise i'm Abbigail Suarez stalker mo sa fb,
i came here in your school just to be with you, pwede ba kitang maging gf"

Talagang inartehan pa ni ate 'yung
mukha nya para lang maasar ako
ng bonggang-bongga.

Kahit na tawang-tawa na ako sa
facial expression nya, mas minabuti
ko munang lunukin yung kinakain ko.

Baka kasi masamid ako bigla, kapag nagsalita ako na may laman pa ang bibig ko.

Hindi ako papatalo sa pang aalaska nya.

"Grabe ka naman ate matatakot
yon, sa ganda kong 'to baka mapag kamalan pa nya kong psychopath, hinay-hinay lang ate  dadaanin ko muna sa pakikipagkaibigan." 

Sabi ko sabay kindat, nakita kong
napatingin sya sa orasan at parang nagmamadali.

"Sige sabi mo eh! May tiwala
naman ako sayo, Balitaan mo
nalang ako baby kapag binasted
ka na nya hahaha, mauna na 'ko
at malelate na ko sa office, mag
ingat ka sa pagda-drive,"

After ako asarin ng ate 'ko iiwan
lang din pala ko sa ere.

"Bye ate take care."

Love or Lust (GxG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon