(M.S.B) Chapter 1

11.4K 216 8
                                        

Oh God! Hihimatayin yata ako.Abot abot ang kaba ni Coleen.Pakiramdam nya ay 

bubulagta sya ano mang oras.

   Nanginginig ang kanyang mga kalamnan at sa kabila ng malamig na ihip ng hanging 

nagmumula sa electric fan na nakatutok sa kanya ay

 pinagpapawisan pa rin sya...

Normal sigurong maramdaman ng isang bride ang ganoon habang nasa harap siya ng dambana at ikinakasal sa lalaking napili nyang mapangasawa but she was no ordinary bride.

In fact.she shouldn't be there at all.

 " I now pronounce you husband and wife, You may kiss the bride"pahayag ng paring nakatayo sa 

 harap nila.

             Lahat ng santo ng langit,Saklolo! hiyaw ng kanyang isipan.kung puwede lamang na tumakbo siya palabas ng simbahan ay ginawa na nya...

Natatakot sya sa magiging reaksyon ni Harry kapag nalaman nitong hindi sya ang babae na dapat ay kasama nitong nakatayo sa harap ng altar nang mga oras ng mga sandaling yon..

 "I...I have to speak with you"natataranta na saad ni Coleen nang kabigin sya ni Harry bilang paghahanda sa pag-angat ng belo nya.

Ang belong yon ang syang pumipigil sa pagkakabisto sa kanyang tunay na Identity...

Coleen Pov..

Daena bakit mo ba ako sinuong sa ganitong kompromiso? 

Sa hindi nya mabilang na beses ay sinisi nya ang pinsan nya na dapat sana ay syang nakatayo roon at may suot ng Wedding gown na idinesenyo pa ng isang Pamosong Couturier.hindi nya alam kung sinadya iyon ng pinsan nya ngunit mas makapal ang puntas na tumatakip sa kanyang mukha.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi nakahalata ang sino man na hindi si Daena ang bride na naglakad sa aisle ng simbahan at ikinasal sa lalaking katipan nito.

"Wait!Bago mo itaas 'yan,kailangang magkausap muna tayo"-nagpapanic nyang usal.ngunit tila hindi sya nito narinig o sadyang hindi nito pinansin ang sinabi nya.

Hinawakan na nito ang belo at sinimulan 'yong itaas.

"What the Hell.."Natigilan si Harry nang tumambad ang mukha nya dito.

Wala na syang ibang paraan para matakasan ang galit na nakita nya na nagsisimulang magsiklab sa mga mata nito.She took the coward's way out and feigned unconsciousness.

Narinig nya ang gulat na bulalas ng kanyang Tita Mariana,ang pahangos na paglapit na ito,pati na ang usap-usapan ng mga bisita na nagtipon sa simbahan.

Naramdaman din nya ang mabilis na pagbuhat sa kanya ni Harry.

"Dito mo sya dalhin,hijo.May maliit na kwarto sa likod ng altar"Nakapikit sya pero nakilala nya ang boses ng pari.Gaya ng inaasahan nya,inilayo sya ni Harry sa mga bisita.Iyon ang gusto nyang mangyari kaya nga sya nagkunwaring nahimatay.

-----------------------

Mejo Antok na ako.. 

+ I need some comments para alam ko kung itutuloy ko pa ba tong kwento na to o hindi.

mejo nawala na ko sa mood kasi antok na ko.

Time check 11:15pm ..

goodnight! :D

Comment.Vote. and Be a fan :D

MERCI <3

---Hyunaakiss--

MY SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon