(M.S.B) Chapter 8

7.8K 237 36
                                    

Kung Limikha man ng ingay ang tungkol sa biglaang pag-iiba ng identity ng babaeng pinakasalan ni Harry ay hindi na nalaman ni Coleen malamang maganda ang ginawang kwento nito sa pagpapaliwanag sa mga kakilala nito dahil kapag nakakaharap nya ang mga ito ay maayos ang pagtanggap ng mga ito sa kanya.

Tama ang naisip nya noong nasa resort pa sila ni Harry na sa sandaling nakabalik na sa syudad ay hindi na sila gaanong magkikita. Ibinuhos nito ang atensyon sa trabaho at malimit na malalim na ang gabi kung umuwi ito.

Nang tumagal nakaramdam sya ng inip. noong nasa pamamahay sya ng tiyahin nya ay sanay syang maraming ginagawa. Pero ngayon ay wala syang magawa sa loob ng bahay dahil may mga katulong si Harry na siyang gumagawa ng gawaing-bahay.

Natuto syang maghalaman at doon na lamang nya ibinuhos ang kanyang oras.

Kasalukuyan niyang inililipat ang paso ng mayabong na rosas nang may humintong sasakyan sa tapat ng gate. Si Trining na isa sa mga katulong ang tumugon sa doorbell. Ilang saglit lamang ang lumipas ay nilapitan siya nito.

"Ma'am. may naghahanap po kay Sir. Hindi ko naman kilala. Papasukin ko ba?"

 

"Ha? Eh,t-teka, ang mabuti pa siguro'y ako na ang makikipag-usap," pasya nya saka dali-daling tinungo ang gate.

"Good afternoon. I'm Mr. Magsaysay and this is my wife, Cristelle. This is the house of Harry Delavertis, right?"anang lalaking naglalaro sa late thirties ang edad.

"Yes, it is. I'm his w-wife, Coleen"

"I'm pleased to meet you." Nakipagkamay ito sa kanya. Gayundin ang ginawa ng babaeng kasama nito.

 

"I'm afraid harry is not here right now. He's at the office and I have no idea what time he'll be home".paliwanag nya.

"Oh, we thought so. We just moved in a house in the next street. I remember Harry telling me about his place so we decided to drop by." Pinoy ang lalaki pero may accent ang pag I-ingles nito. Tila matagal itong nanirahan sa ibang bansa.

"Nagbaka-sakali kaming narito siya. Nabalitaan ko kasing kailan lamang siya ikinasal," sambit ng babaeng kasama nito.

"We just arrived from Canada a couple of days ago at ngayon lang kami lumipat sa bagong bahay namin. Itong si Robert ay kakilala ni Harry and it was your husband who mentioned to him about the house."

"I see."tumango-tango siya." Wont you come in?"Naalala niyang bigla ang kanyang tungkulin bilang maybahay ni Harry.

MY SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon