(.M.S.B)Chapter 5

8.3K 178 8
                                    

Malalim na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Coleen. Paano ay kanina pa sya nakikipagtalo sa kanyang sarili.Will she stay or will she run away? Pero saan naman sya pupunta?

Tiyak na hindi na siya tatanggapin ng tiyahin niya. Wala naman syang malapit na kaibigan o kamag-anak na pwedeng hingan ng tulong.

Sa Huli ay napasya nyang manatili na lamang sa muna sa piling ni Harry, kahit pansamatala

habang pinapagplanuhan nya ang susunod na hakbang Masyadong mabilis ang mga pangyayayri 

kaya hindi na sya nagkaroon ng pagkakataong magisip ng mabuti.

Nag-aagaw tulog sya ng marinig ang pagbukas ng main door ng suite. Mukhang dumating na si Harry.

Narinig nya ang mahinang yabag nito kaya alam nya kung kailang ito pumasok sa kuwarto.

Nanigas sya ng mawari nya na doon nito balak matulog. Bigla rin syang kinabahan sa naisip. Paano kung igiit nito ang karapatan bilang asawa niya?

Bumalikwas sya ng bangon at huli na ng maalala nyang suot pala nya ang isa sa mga pantulog ni Daena at malayo yun sa pagiging disente. Hanggang hita lamang ang haba nyon at manipis ang tela. Mababa pa ang neckline ,Dali-dali nyang inabot ang robe nya at isinuot iyon.

"You seem to enjoy playing your role. Hayan nga at pati  custome mo ay perpekto para sa papel na iyong ginagampanan, that of a woman who's on her honeymoon,"Nag taas baba ang mga mata nito sa katawan niya at tila kinikilatis ang mga assets nya. Hindi nya malaman kung bakit tila may mga apoy na nagsimulang gumapang sa kanyang katawan.

"Of course not.W-wala lang akong ibang maisuot."

Kahit sa kanyang pandinig ay halatang nagsisinungaling sya.Pwede naman na ang ibang casual clothes ni Daena ang ipinantulog nya. Pero naakit sya ng sexy negligee dahil sa tanang buhay nya ay hindi pa siya nakakapagsuot ng ganoon. Isa pa, hindi nya inaasahang doon sa kuwarto matutulog si Harry.

Sa naisip nya ay naalala nya ang dahilan ng biglaan nyang pagbangon.

"H-hindi ka pwedeng matulog dito"

"And where do you expect me to sleep? Iisa lang ang bedroom sa suite na ito.

After all, I reserved it for my honeymoon, remember?"

 

"Doon na lang ako sa labas matutulog kung ganon."

"Kung magsalita ka, para bang hindi ako makakapagpigil at bigla na lang kitang dakmain. Well, for your information, Honey, never in my life did I have to resort to  rape to force a woman to go to bed with me. Ako pa nga ang laging inaakit at pinipilit".

"Yabang! panggagalaiti nya.

MY SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon