Dedicated kay miss Jelans Thanks sa pag comment :D
Keep reading ^________^
---------------------------
Flashback..
'Nasa kusina si Coleen at nagkakape nang puntahan siya ni Tita Mariana para sabihang pinapupunta siya ni Daena sa kuwarto nito.
Nakakatatlong tasa na sya ng kape pero hindi na yata kayang pawiin ng caffeine ang antok nyang naipon sa loob ng halos tatlong taong pagtira nya sa bahay ng mga Fernandez. Kapatid ng kanyang ina ang Tita Mariana nya na ina naman Daena.
Mula ng igupo ng sakit na cancer of the colon ang kanyang ina ay nakipisan na siya sa kanyang tiyahin.
Ayaw nyang maging pabigat kaya habang naroon sya ay ginagampanan niya ang ang mga trabahong dati ay inaasa ng pamilya sa katulong ng mga ito.
Malaki na raw si Daena hindi na naghanap ng kapalit si Tita Mariana nya ng umalis ang katulong ng mga ito.
Pero kung inaasahan nya na makakatulong ang kanyang pinsan ay para na rin syang umasa sa wala.wala itong alam na gawaing bahay.
Minsan ay naiisip nyang sinasadya nitong huwag alamin ang mga iyon para hindi ito mapilitang kumilos sa bahay.
Palibhasa solong anak,lumaki ito na parang isang prinsesa.At walang prinsesang gumagawa ng gawaing bahay.
Tatlong taon na syang palaging puyat pero nang nagdaang gabi ang pinakamatindi.
Araw ng Kasal ni Daena kinaumagahan at kung anu ano ang iniuutos sa kanya ni Tita Mariana.
Yung ipaglalaba ng ilang damit na pinagpipilian nitong isuot at ipaplantsa ang mga yon. Naroon ang papalitan ang kurtina ng bahay dahil tiyak na daw na may ilang bisitang sasama sa paguwi ng mga ito mula sa reception.
Alas tres na ng madaling araw ay namamalantsa pa sya at alas-singko ang kalimitang gising nya.Kaya ngayon, kahit tatlong tasa ng matapang na kape na ang naiinom nya ay antok na antok pa rin sya..
"Bakit Daena?"pupungas-pungas nyang tanong ng makapasok sya sa kwarto nito.
Imbis na sumagot inikut ikutan sya nito at pinagmasdan mula ulo hanggang paa.
"Hmm,puwede nga siguro.Kaya lang...Ah, kaya 'yon."Bulong bulong nito.
"Bakit ba?"ingit nya pakiramdam nya may masama itong binabalak.
"Coleen, ilang taon ka na nga bang nakatira dito sa amin?"Tanong nito.
"M-magtatatlong taon na"
"Matagal-tagal na rin pala.At sa loob ng mga panahong iyon ay hindi humingi ng kapalit sina Mama at Papa sa kabutihang pinamalas nila sayo dba?"

BINABASA MO ANG
MY SUBSTITUTE BRIDE
Romance*Dahil sa pagsusumamo ng pinsan nyang si Daena, Napilitan si Coleen na tumayo bilang bride sa araw ng kasal nito ganoon na lamang ang pagkagulat ni Harry nang matuklasang ibang babae ang pinakasalan nito Tinangka ni Coleen ipagtanggol ang sarili n...