Coleen!
Agad naglaho ang magaan nyang pakiramdam nang marinig ang boses ni Harry. Base sa pagkakabitaw nito ng mga salita halatang galit ito.
"My Master Beckons" sabi nya kay Warren at lumakad na sya papalayo. Nang makapasok sya ng cottage inutusan sya ni Harry na maghanda pa ng pagkain. Agad syang umalis at inihanda ang inutos nito pagkuwan ay nagkulong na sya sa kwarto.
Matapos ang ilang minuto narinig nya ang pagsara ng front door at ilang saglit pa ay pumasok na sa kwarto si Harry.
Napatayo sya mula sa kinauupuang silya nang makitang madilim ang anyo nito.
"What the hell do you think you're doing?"angil nito sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"You were openly flirting with Warren. And to think na ngayon mo lang sya nakilala."
" Hindi ako nag pi-flirt". Ni hindi ko alam kung paano gawin yun"
"Oh, you were doing it perfectly well. Ni hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan. We are supposedly on our honeymoon, and yet hindi mo mapigilan ang magpakita ng motibo sa kaibigan ko"
"Puwede ba, itigil mo na ang pag aakusa sa akin ng kung anu-ano? Napaka dumi naman ng utak mo para pag isipan ako ng ganyan. Gaya nga ng sabi mo kaibigan mo sya so I was being nice to him" Ganti ni Coleen
"You call that being nice? You practically threw yourself at him. Malamang ay dahil naisip mong wala kang kahihinatnan sa akin kaya-"
Bago pa maituloy ni Harry ang sasabihin nya ay lumipad na ang kamay ni Coleen at malakas na dumapo sa pisngi nya. Galit na galit sya at ang nais lamang nya ay ang maiparating iyon dito.
"How dare you!"angil nya. Hindi sya nangimi kahit nakita nyang nag aapoy ang mga mata nito sa galit. "Wala akong ginagawang masama, Warren is a nice guy and I admit he's fun to be with. Hindi siya kagaya mo na parang nagme-menopause na tigre na bawat kibot ko ay dapat kong pag-isipan dahil baka magalit ka"
"How dare you para sabihin yan sa akin? Hindi kita pinilit na maing asawa ko. Remember ikaw ang patraidor na umagaw sa papel ni Daena at'"
"Oh, yes the lovely Daena. Talagang patay na patay ka sa kanya ano? Well, I just wish na kayo nga ang nagkatuluyan because you two deserve each other."

BINABASA MO ANG
MY SUBSTITUTE BRIDE
Lãng mạn*Dahil sa pagsusumamo ng pinsan nyang si Daena, Napilitan si Coleen na tumayo bilang bride sa araw ng kasal nito ganoon na lamang ang pagkagulat ni Harry nang matuklasang ibang babae ang pinakasalan nito Tinangka ni Coleen ipagtanggol ang sarili n...