(M.S.B)Chapter 4

9.6K 232 18
                                        

"Bitawan mo ako."Pinalis ni Coleen ang kamay ni Harry na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso pagkasarang pagkasara ng elevator na magdadala sa kanila sa palapag na kinaroroonan ng dapat ay silid nila ni Daena.Mula pa kaninang bumaba sila ng sasakyan ay mahigpit ng hawak ni Harry ang kanyang braso.Nagsisimula na nga iyon mamitig tila nawawalan na ng sirkulasyon ang dugo sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito.Wala naman ibang nakasakay sa elevator kaya hindi na nya tinangkang timpiin ang namumuong galit sa kanyang dibdib.

"Sinisigurado ko lang na hindi ka tatakas"-saad ni Harry

"Hindi ako tatakas.I promise.Bakit ko gagawin yon gusto ko nga magpaliwanag sayo."- Coleen

"Good,dahil kanina ko pa gustong malaman ang dahilan kung bakit sinira mo ang aking buhay"-Harry

'Hindi ako sumira sa plano mo kundi si Daena!"-hindi napigilan ni coleen na bulalas

"Why did you say that?"Tumingin ito sa kanya kagaya kanina parang puwede na syang magkanda gutay-gutay sa talas ng mga mata nito.

"Dahil sya ang umayaw sa pagpapakasal sa iyo"- Coleen

"Ikaw lang may sabi nyan"-Harry

"Anak naman ng Tipaklong!Kung talagang gusto nya magpakasal sayo,di dapat sya ang nandoon sa simbahan at hindi ako."- Coleen

"Gaya ng sabi ni Tita Mariana paano kung may ginawa ka sa kanya?Ipina pacheck na sa pulis ang bahay niyo even as we speak and heaven help you if Daena hurt or worse"-Harry

Agad syang nakaramdam ng inggit sa pinsan nya kung mayroon din sanang magmamamalasakit sa kanya nang ganoon.Sa ikailang ulit tuloy ay nagtaka sya kung bakit hindi na lamang sinabi ni Daena ang tunay na rason ng pagtutol nitong matuloy ang kasal nila ng lalaki.Mukha naman maiintindihan sya nito at may makakaramay pa ang pinsan nya sa pagharap sa kung ano man ang hirap na idudulot ng sakit nito.

"Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong ginawa sa kanya.Sya ang nakiusap sa akin na tumayong siya sa-" Coleen

"Save it for later!putol ni Harry.

kasabay ng pagbukas ng Elevator sa palapag na pupuntahan nila.Muli ay Hinawakan sya ulit nito sa braso ng nakapinid na double doors.Saglit pa syang nagtaka nang makita ang dalawang pinto.Noon lamang siya nakatuntong sa isang Five-star Hotel kaya hindi nya matukoy kung bakit ang laki ng pintong papasok sa kanilang kuwarto.

Napasinghap siya nang buksan ni Harry.hindi lamang pala isang simpleng kuwarto ang tutuluyan nila .May sarili iyong sala at bar sa isang sulok.Gawa sa salamin ang isang dingding kaya kitang-kita ang skyline ng siyudad mula roon.

"If you're waiting for me to carry you over the threshold, huwag ka nang umasa pa. You are not the bride I want kaya 'wag nang mag ilusyon pa" - Harry

Ang tinig ni Harry ang gumising sa nakatulog na yata niyang diwa.

Harry closed the doors and pushed down the lock,pagkuwan ay binalingan siya. pero bago pa man ito makapag salita ay umalingawngaw sa buong kuwarto ang tunog ng cellphone.

Mula sa bulsa ng pantalon ay inilabas nito ang isang maliit na cellphone.

"Yes. You mean...I see. So it's safe to assume that she's fine?Okay,thanks for letting me know. Yeah, I'm sorry,too"sabi ni Harry sa kausap sa telepono.Ilang sandali pa itong nakipag-usap bago nagpaalam sa tumawag.

"Si Tito Reymund iyon"sabi nito sa dingding na salamin nakatingin.

"Nakausap na nila ang mga pulis.It looks like Daena is safe all right.Wala raw nakitang palatandaan na may nangyaring hindi maganda sa bahay.S-she also left a note".-Harry

MY SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon