"COLEEN?"
Napalingon sya nang may tumawag sa kanya.
nasa isang mall siya nang mga sandaling iyon. Doon siya tumuloy pagkatapos ng session nya sa short-term course nya sa Southridge University kung saan siya in-enroll ni Harry.
Malapit nang matapos ang kurso at aminado siyang marami natutuhan doon. Hindi lamang ang tungkol sa tamang pagkilos sa iba't ibang social functions ang itinuro sa kanya kundi pati na rin sa tamang pananamit at pag-aayos sa bawat okasyon.
"Warren!" nakangiting bati nya nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Is that really you?" Lumapit ito at hinawakan sya sa magkabilang balikat at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.
"You look great!"
"Salamat. May pinapasukan akong klase. Malaki ang naitulong sa akin"
"Talaga?I'd like to hear more about it. Are you in a hurry?"
" Not really. " Sa bahay lang naman sya tutuloy pagkatapos mamili ng ilang kailangan sa bahay.
" Great! Kumain muna tayo, " yaya nito.
Nag dalawang isip sya baka magalit si Harry kapag nalaman nitong sumama sya sa lalaki.
" C'mon, I don't bite, " biro nito.
" Sige na nga. "
Sa isang restaurant sila pumunta. Pagkatapos nilang kumain ay sinamahan pa sya nito sa pamimili. He was entairtaining as ever. Makwento at mabiro ito kaya hindi nya halos namalayan ang paglipas ng mga oras. nagulat pa siya nang magyaya itong mag merienda. Nang tingnan nya ang oras sa suot nyang relo ay mag aalas-kuwatro na.
" How are things going between you and my friend? " usisa nito nang nasa coffee shop na sila.
"Okay " sagot nya matapos saglit na matigilan.
" I don't think so. Is he... S-si Daena pa rin ba ang pinaghihilian nya? "
" Ang lalim na tagalog n'on, ah! " Sinikap nyang magbiro para pagtakpan ang pait na umahon sa kanyang puso.
" Don't change the subject. "
BINABASA MO ANG
MY SUBSTITUTE BRIDE
Dragoste*Dahil sa pagsusumamo ng pinsan nyang si Daena, Napilitan si Coleen na tumayo bilang bride sa araw ng kasal nito ganoon na lamang ang pagkagulat ni Harry nang matuklasang ibang babae ang pinakasalan nito Tinangka ni Coleen ipagtanggol ang sarili n...
