hChapter 1- siblings

194 2 1
                                    

**alarm clock ringing

aish 7:30 na pala. sunday naman at ang aga pa pero kaylangan ko na gumising at gumayak.. nag yaya kasi ang aking liloe na mag simba ngayon..

papunta na sana ako sa banyo para maligo nang napansin ko yung family picture namin sa study table ko.. haaaaaaay sana sem break na para makapg bakasyon kami ulit ni liloe sa Korea.. miss na miss ko na sila Mimi at Didi

Ako nga pala si Sabina Alexandrea Ysabelle Sy. haba diba? haha SANDY for short.. 18 years of age.. half-pinay, half-korean.. pero dito kami sa Pinas lumaki at nag aral kasi praktikal sila Mimi at Didi.. yun nga lang di din naman namin sila kasama kasi sa Korea sila nag Business, kaya kami lang ni Liloe ang Andito sa Pinas..

Ako at ang Liloe ko lang ang naninirahan sa bahay.. walang bantay..ang saya diba? pero may katulong at labandera kami, di nga lang sila stay in kasi ayaw ng aking Liloe.. Si Jared Terrence Zues Sy weird ng name diba? Masyado kasi fan si Didi ng Greek Religion.. pero buti nalang bumawi naman siya sa nick name niya.. mas kilala kasi siya sa pangalang THUNDER o kaya naman Red.. God of lightning si Zues diba..kasunod ng kulog ang kidlat hahaha weird.. siya pala ang aking Liloe.. my LIfe, my LOve, my Everything.. younger brother ko siya.. he's only 17.. pero kung umasta akala mo naman kung siya ang kuya.. hahaha

di ko namalayan na tumatakbo pala ang oras at may misa kaming kaylangan puntahan,, ano ba naman yan.. bakit kasi kaylangan 8am mass.. pede namang kasi mamayang hapon or mamayang gabi.. pero ayaw kasi ng magaling kong kapatid. may meeting daw kasi sila mayang hapon kaya kaylangan daw ngayon na para makapag grocery pa kami after mass..

"ate nakaligo ka na ba,? tara na. baka traffic pa maya eh.. " -boses ni Thunder sa likod ng pinto..

ano ba yan.. kakagising ko palang eh.. di naman siya masyadong nagmamadali

"ah oo.. nagbibihis na ako antayin mo nalang ako sa baba.. madali nalang to " -ako..

tss kaylangan ko pang mag sinungaling.. kasi pag sinabi kong wala pa akong natatapos siguradong mauuna pa syang manermon kesa sa pari.. kaya dali dali na akong naligo, nag bihis at boom!! yey tapos na ako.. within 20 mins? record yun ahh.. haha pag baba ko sa sala nakita kong nakasimangot na si Liloe..

"oh.. anong problema mo? bakit ka nakabusangot jan? sayang gwapo mo.. umagang umaga oh.. ngiti ka naman" -ako

"seriously antagal mo.. mukang next mass na ang maabutan natin..sabi ko alis tayo ng 7:30 diba? mag aalas ocho na po.. " -Thunder

ang arte naman neto,, edi mag palate nalang kami tas umpisahan namin ulit sa next mass.. tss..

"eh kung tumayo ka na kaya jan.. at tara na.. kesa nag bubunganga ka dyan.. TARA NA!"- ako

"tara na? sigurado ka? ni hindi ka pa nga nag suklay ehh.. ano ba ate.. naka sleepers ka pa.. sigurado ka tara na? ahahaha"- Thunder

kinapa ko yung buhok ko, at tinignan yung paa ko.. ayy.. oo nga pala, sa sobrang pag mamadali ko.

"hihi. ano ka ba practice lang no.. sinusubukan ko lang kung mapapansin mo"- palusot ko pa..

"yah sure sis.. galaw galaw na.. mukang malelate na talaga tayo.. tss"

kaya ayun.. nag suklay na ako at nag suot ng doll shoes.. simple lang naman ang suot ko.. church dress pero di naman yung pang manang no,. simple dress lang na pink on knee level.. syempre no simbahan yun.. baka maya palabasin pa ako sa simbahan,, mahirap na..

on our way papuntang church.. busy si liloe sa pag drive.. opo nakakapag drive na siya kahit menor de edad palang.. di din naman niya ako kinakausap kaya naisip kong umidlip muna.. tantya ko 15mins pa bago kami makarating sa simbahan.

The Best Thing Ever HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon