Sandy's POV
Dinner Time na.. aish bakit ganun? Parang hindi ako komportable samin ni Gab.. para namang 1st time ko magkaron ng boyfriend niyan eh
''ganito ba talaga? Hindi kayo mag kikibuan? Or kahit tinginan lang?'' Thea.. nakayuko lang kasi ako habang kumaikain.
''ewan ko sa Ate Sandy mo.. ayaw akong tignan eh''- natatawang sabi ni Gab
''ah hindi.. nag coconcentrate lang kasi ako kumain..'' palusot ko.
''palit nga tayo kuya.. kayo nga ang magtabi.. ang awkward niyo tignan mag kaharap nga kayo di naman kayo nag papansinan..hahaha'' Thea. Tapos binuhat niya yung plato saka sila nag palit ng pwesto
''Ok ka lang?''- tanong ni Gab nung nakalipat na siya sa tabi ko
''oo.. mejo nahihiya lang..'' bulong ko sakanya
''hahaha.. wag ka na mahiya.. usap tayo ulit mamaya bago ka tulog..''-Gab
''sige sige'' sa totoo lang nahihiya kasi ako talaga mula nung nag kaalaman ng feelings. Ewan ko.. wala na kasing ligawan eh.. aminan na agad. Haha
''kuya.. bukas pala dapat 10 am nakauwi na tayo.. so 4am palang byahe na tayo..nakausap ko si Mommy kanina. Kaylangan na daw kasi bumalik ni ate Mia . . . bla bla bla.'' ang daming sinasabi ni Thea..tuloy tuloy lang siya sa pag sasalita.. ako naman nakangiti.. kasi hinawakan ni ni Gab ang kamay ko sa ilalim ng mesa.. ninja moves siya..
''hoy!! nakikinig ba kayong dalawa? Teka anong meron? Bakit ang lawak ng ngiti mo ate Sandy?''- Thea
''wala ang cute mo kasing tignan..'' ako
''shocks ang weird niyo ah'' Thea
''hahaha'' Gab
pagkatapos namin kumain.. iniwan muna kami ni Thea. Mag aayos daw kasi siya ng mga gamit niya.. haaay ang dami ba naman kasi niyang dinala..napag kasunduan namin ni Gab pumunta muna sa tabing dagat,.
20mins na kami dito pero wala paring nag sasalita... hindi ko din naman kasi alam kung pano mag sisimula.. antayin ko nalang na siya ang mauna.
''Sandy!''
''ano yun?''
''ano na mangyayari satin?''
''ha? Bakit sakin mo tinatanong?''
''babalik ka ng Pinas diba?''
''syempre dun ako nakatira eh''
''pano tayo?''
''. . . '' hindi ako nakasagot.. yun na nga eh.. pano na kami kung sakali? Haaaaaaay hindi parin pala masaya.
''may tiwala ka ba sakin?''- Gab
''oo naman.. ikaw ba may tiwala din sakin?''
''hmm hindi ko alam. Hahaha''
''Gab naman eh..''
''syempre oo.. may tiwala ako sayo.. mahal kita eh..'' hinawakan nanaman niya kamay ko
''so pano then?''
''hindi ko din alam Sandy.. basta kung ano man tayo ngayon.. walang magbabago dun. Mahalin lang natin ang isat isa..''
''Gab? Tayo na ba?''
''ahy bakit magpapaligaw ka pa ba? Hahaha''
''Tss.. sige lang.. bahala ka nga jan'' tatayo na sana ako kasi naiinis na ako sakanya pero hinawakan niya yung kamay ko
''to naman, biro lang. Gusto mo ba ligawan pa kita?'' syempre gusto ko. Pero pano yun aalis na ako.. alam kong mawawalan din siya ng time sa panliligaw. Isa pa..napatunayan ko naman nang ako talaga eh. Wala nga siyang ibang minahal kundi ako lang eh.