Sandy's POV
ayos na kami ni Bam.. di ko na tinanong kung bakit siya nag kakaganun ang importante balik na kami sa dati.. nagluluto na kami yung iba sa kitchen, yung iba naman sa garden nag iihaw ng bbq.. madaming pag kain.. foodtrip kasi kami ngayon di ko lang sure kung may inuman mamaya..
si Tophy, Jianne, Chaelin, Dave at Sol ang kasama ko dito sa kitchen.. yung iba sila na yung nag iihaw.. hanggang ngayon wala pa si Gab. Baka hindi na pupunta yun.. kasi dapat 30 mins lang late yunpero ngayon 2 hours na.. zzz haaaaay ano kaya nangyayari dun..
''ohh buti dumating ka pa'' Dave. Napatingin naman ako sa tinutuloy niya.. si Gab kararating lang
''hahahaha.. may ginawa lang akong importante''- Gab
''suss if I know babae yan..''-Tophy
''ahahahaha oo nga kuya Gab.. kilala ko kung sino''- Jianne
''tumigil nga kayo.. ahaha kakain na ba?''- Gab
''eh kung tumulong ka kaya no? Tulungan mo si Sandy mag chop..''- Chaelin
''oo nga Gab. Para may pakinabang ka naman.. ''-Tophy
''ha? Ehh ''- Gab, parang ayaw niyang ako ang kasama niya mag chop..
''sige na, wag ka na mag reklamo dagdag pogi points yan!''- Sol
''ulul.. san yung iba?''-Gab
''nasa labas. Nag iihaw..''-Tophy
''dun nalang ako.. ge!'' Gab tapos lumabas na siya.. hmm ni di man lang ako pinansin. Siguro nag tatampo talaga sakin.. bakit kaya? Wala naman akong nagawang masama. Dahil ba sa confrontation namin nun? Aaaay naman..
nakapag luto na kami dinner na.. kanya kanyang upo na kami si Thunder at Gab nalang ang nasa labas pa inaayos yung mga ginamit kanina.. sa left side ko katabi ko si Tophy sa right naman bakante pa. Nung pumasok na yung dalawa. Tinawag ni Jianne si Thunder sa tabi kasi nireserved talaga niya yun para sa kapatid ko.. so san uupo si Gab edi sa tabi ko..
''Gab. Upo ka na para makakain na tayo gutom na ako eh''- Sol, bakit ganun parang nag aalinlangan siyang tumabi sakin.. pero umupo din naman
''huy! Dave palit tayo.. ako jan!''- Gab. Nakikipag palit siya kay Dave...
''bakit nanaman? Jan ka na ang ganda ng pwesto ko dito eh''- Dave
''gusto ko jan eh.. malapit sa aircon!''- Gab
''aisshh!! oo na! Dami alam!''-Dave.. yun nga nag palit sila.. feeling ko talaga iniiswasan ako ni Gab.
Tahimik lang akong kumain.. hindi kasi matanggal sa isip ko yung ginagawa ni Gab eh.. parang hindi na ako komportable sa sitwasyon.. nung natapos na kaming kumain nag pahinga kami saglit sa garden nakaupo kami sa grass habang nag kukwentuhan at kumakain ng bbq. Tahimik lang ako. Yung iba ang saya nila.. nag tatawan at sayawan pa sila pati narin si Gab pero di parin niya ako pinapansin. Hindi na ata makapag antay si Sol nilabas na niya mga beer, at dun mismo nag inuman na sila..
''iinom ka?'' tanong ni Tophy sakin..
''hmm? Wala akong gana eh. ''-ako
''sigurado ka?''
''yah..''
''may problema ka ba?''
''bakit mo naman natanong?''
''kanina ka pa kasi tahimik eh''
''hmm.. mejo naguguluhan kasi ako kay Gab''
''pansin ko nga din eh di ka niya pinapansin gusto mo kausapin ko?''