Sandy's POV
isang linggo ko nang di nakikita si Tophy., walang may alam ng dahilan kung bakit siya di nagpapakita wala ding may alam kung nasaan siya.. nag aalala na ako.kasi hindi man lang siya nag sabi kung san siya pupunta. Kahit text kasi wala.. siya lang ang wala ngayon.. andito kami sa bahay nila Chaelin..
''si Tophy? Di pa ba bumabalik?''- Chaelin
''oo nga.. kuya Sol. Diba. . –'' Jianne. Pero tinakpan ni Sol yung bibig niya..
''hindi ko alam kung nasaan siya! Hehehe''- Sol
''oo nga.. ang alam lang namin may balak siyang umalis pero di niya kami sinabihan kung kelan at kung saan..''-Vince
''bakit di niyo sinabi agad samin? Bakit sainyo lang niya sinabi?''- Dave
''hindi naman namin alam na seryoso pala siya''- Vince
''bakit niya naman gagawin yun? May problema ba siya?''- tanong ko..
'' . . . . '' walang sumagot.. haaaaaay parang may something talaga.. hindi naman sleepover yung pagpunta namin sa bahay nila Chealin nag si uwian din kami..
nakahiga na ako sa bed ngayon.. hindi ako mapakali.. namimiss ko si Tophy.. si Gab kasi mejo tahimik siya lately.. parang may malalim na iniisip.. lagi siyang lutang pero wala namang nagbago saming dalawa nag kukulitan parin kami.. yun nga lang minsan hindi talaga siya umiimik.. gaya nalang nung pinag uusapan namin si Tophy.. baka nag aalala din siya sa bestfriend niya.. napaupo nalang ako sa pag kakahiga ko nung narinig kong tumunog yung phone ko.. kaya sinagot ko naman agad saka pumwesto sa bintana para mas malakas ang signal..
''hello?'' sagot ko agad tapos tumingin sa labas ng bintana
(ang bilis mo naman atang sumagot ng phone ngayon)- kilala ko na kung sino to..
''oi Gab ikaw pala..'' feeling ko may nakatingin sakin.. natakot naman ako at bumalik sa higaan
(expecting someone?) hmm.. kinda..
''hindi naman.. hehehe..''
(just checking kung nakauwi na kayo)
''yah.. mejo kanina pa. Ikaw kauuwi mo lang?''
(hindi kanina pa din.. ngayon lang ako nagtanong hehe)
''hahaha.. nag hahanap ka lang ng kausap eh''
(hindi naman.. pagod na nga ako kakasalita eh)
''bakit naman? May kausap ka ba kanina?''
(hmm.. parang)
''sino naman?''
(di mo din kilala)
''eh basta gusto ko lang malaman..siya ba yung sinasabi mong gusto mo?''
(someone I love) parang may naginig sa nerves ko na ewan.. parang nakakaramdam ako ng something.. parang nag seselos ako
''ahh hehe.. yung na-nasa Korea ba?'' natanong ko nalang bigla.
(hmm.. yah) awww.. mas nalungkot ako.. masama ba ako pag sa ganitong panahon na nasasaktan ako dahil kay Gab si Tophy ang hinahanap ko? Siguro nga mahal ko nadin si Tophy..wala din naman ng pag asang magustuhan ako ng taong gustong gusto ko.. umaasa kasi ako na baka may chance na magustuhan din ako ni Gab.. pero kung nararamdaman ko ngayon sigurado na ako.. mahal ko na si Tophy
''ahh.. a-ano kasi.. pagod na kasi ako.. mauna na ako matulog ha? G-goodnight Gab'' binaba ko agad yung tawag..Gab kung gang kaybigan lang talaga wala akong magagawa.. hindi ko magawang umamin sayo kasi alam kong mapapahiya lang ako.. may nag mamay ari na ng puso mo.. tama nga sigurong wag na ako mag assume o mag expect pa.. si Tophy na sigurado sa nararamdaman niya.. bakit di nalang siya ang pagtuunan ko ng pansin