(KOREA)
sinundo ako nila Mimi sa airport.. haaaaaaaaaay namiss ko ang Korea.. 3 years din akong di nakapasyal dito ah.. sila Mimi nalang kasi ang pumupunta sa Pinas para makita kami..
nasa kotse kami ngayon OTW sa bahay.. para akong bata na palingon lingon sa labas ng bintana.. nanibago kasi ako.. mas gumanda an Korea.. nashocked nalang ako nung may nakita akong sobrang laking billboard at mas nakakashock kung sino yung andun..naka suot siya ng sobrang pormal na Suit, sobrang gwapo ng itsura niya.. kahit naka shades siya.. alam kong siya yun..
''Si Gab?'' bigla ko nalang nasabi.. napalingon naman sakin si Mimi
''kilala mo si Mr. Chua anak?'' Mimi
''opo,. Barkada po namin siya ni Thunder sa Pilipinas dati.. sikat pala siya dito''
''siya kasi ang Top 1 Most Eligible Bachelor at Youngest Businessman in Korea ngayon''- Didi
''wow.. si Chua? Ang laki ng pinag bago niya ah, pero gwapo parin..masungit parin siguro''
''masungit ba siya? Parang hindi naman''- Mimi
''pano mo naman nasabi yan Mi?''
''nameet ko na kasi sya minsan sa isang convention, napaka polite at bait niyang binata.. sabi ko pa nga sakanya gusto kong gaya niya ang makakatuluyan ng anak ko.. kaylangan taken na yata siya..''
''Mi, talaga nakakahiya.. taken naba talaga siya?''
''hindi ko alam.. pero sa lahat kasi ng mga interview niya pag lovelife ang pinag uusapan lagi niyang sinasabi na hindi pa daw siya ready sa usapang pag ibig. Inamin din niya na may nag mamay-ari ng puso niya.. pero gang ngayon di pa niya sinabi kung sino..''
''kahit naman samin dati,, hindi din niya inaamin kung sino, ang alam lang namin may minamahal siya,, ang swerte naman nung girl..''
nasa bahay na kami... haaay there is no place like home.. hahahaha sana andito din si Thunder para mas masaya.. nag aantay ako ng tawag ni Lauren kung san ko I memeet yung Architect pero hanggang ngayon wala pa.. sabagay di naman kasi pareho ang oras.. kaya nag pahinga nalang muna ako. Pagod din kasi ako sa byahe.. nanuod nalang ako ng TV.. nagulat naman ako nung napanuod ko si Ielle sa isang commercial.. seriously? Sikat na talaga ang pinsan ko?
''Mi., nag debut na ba sila Ielle? Singer na ba siya''- tanong ko sa nanay ko
''hindi na Ielle ang tawag sakanya ngayon anak.. yung buo na niyang pangalan ang gamit niyang screen name..''
''ha?? Danielle James Hye?''
''Oa ka naman.. Danielle lang''
''ahh ok.. pero ano na nga Mi? Nag debut na ba sila?''
''oo.. sikat na sikat na sila ngayon.. siya ang main vocalist ng grupo niya.. ang galing talaga ng pamangkin ko..''- sabat naman ni Didi
''ahhhhyyy.. OMGee.. nakakaproud naman.. gusto ko siyang makita..'' -ako
''kahit gusto mo., hindi pwede nasa Japan sila ngayon.. may concert kasi sila..saka kung andito naman siya Korea.. lagi siyang pagod.. workaholic na ang pinsan mo.. ''- Mimi
''nag papayaman eh.. hahaha nakita ko siya nun sa Pinas.. pero trainee palang siya dati''
''hindi ko kasi alam ang number niya, para matawagan mo sana.. sabihin mong andtio ka..''
''no worries Mi..my Twitter naman. Itweet ko nalang siguro siya..''
''ok anak..''
*ringing